Calendar
Pagiging malikhain ni Sec. Frasco, pinapurihan ni Madrona
𝗕𝗜𝗟𝗔𝗡𝗚 c𝗵𝗮𝗶𝗿𝗺𝗮𝗻 𝗻𝗴 𝗛𝗼𝘂𝘀𝗲 𝗖𝗼𝗺𝗺𝗶𝘁𝘁𝗲𝗲 𝗼𝗻 𝗧𝗼𝘂𝗿𝗶𝘀𝗺. 𝗜𝗸𝗶𝗻𝗮𝗴𝗮𝗴𝗮𝗹𝗮𝗸 𝗻𝗶 𝗥𝗼𝗺𝗯𝗹𝗼𝗻 𝗟𝗼𝗻𝗲 𝗗𝗶𝘀𝘁. 𝗖𝗼𝗻𝗴. 𝗘𝗹𝗲𝗮𝗻𝗱𝗿𝗼 𝗝𝗲𝘀𝘂𝘀 “𝗕𝘂𝗱𝗼𝘆” 𝗙. 𝗠𝗮𝗱𝗿𝗼𝗻𝗮 𝗮𝗻𝗴 𝗽𝗮𝗴𝗶𝗴𝗶𝗻𝗴 “𝗿𝗲𝘀𝗼𝘂𝗿𝗰𝗲𝗳𝘂𝗹” 𝗻𝗶 𝗧𝗼𝘂𝗿𝗶𝘀𝗺 𝗦𝗲𝗰. 𝗠𝗮𝗿𝗶𝗮 𝗖𝗵𝗿𝗶𝘀𝘁𝗶𝗻𝗮 𝗚𝗮𝗿𝗰𝗶𝗮 𝗙𝗿𝗮𝘀𝗰𝗼 𝘂𝗽𝗮𝗻𝗴 𝗺𝗮𝘀 𝗹𝗮𝗹𝗼 𝗽𝗮𝗻𝗴 𝗺𝗮𝗽𝗮𝘂𝗻𝗹𝗮𝗱 𝗮𝗻𝗴 𝘁𝘂𝗿𝗶𝘀𝗺𝗼 𝗻𝗴 𝗣𝗶𝗹𝗶𝗽𝗶𝗻𝗮𝘀 𝘀𝗮 𝗽𝗮𝗺𝗮𝗺𝗮𝗴𝗶𝘁𝗮𝗻 𝗻𝗴 𝗽𝗮𝗴𝗯𝗮𝗯𝗮𝗹𝗮𝗻𝗴𝗸𝗮𝘀 𝗻𝗶𝘁𝗼 𝗻𝗴 𝗶𝗯𝗮’𝘁-𝗶𝗯𝗮𝗻𝗴 𝗽𝗿𝗼𝗴𝗿𝗮𝗺𝗮, 𝗽𝗿𝗼𝘆𝗲𝗸𝘁𝗼 𝗮𝘁 𝗸𝗼𝗻𝘀𝗲𝗽𝘁𝗼.
Dahil dito, pinapurihan ni Madrona ang pagiging malikhain ni Sec. Frasco sa pamamagitan ng pag-iisip nito ng iba’t-ibang pamamaraan para sa ikauunlad at promotion ng Philippine tourism na mangangahulugan ng malaking ganansiya sa kaban ng pamahalaan.
Ikinagagalak din ng kongresista na kabilang sa pinakabagong programa na ilulunsad ng Department of Tourism (DOT) ay ang nakatakdang pakikilag-ugnayan ng turismo sa iba’t-ibang sektor ng Lipunan na inaasahang lalo magbibigay ng positibong resulta.
Ang isa sa mga nakakabilib na proyekto na inilunsad ng Tourism Department sabi pa ni Madrona ay ang pinasimulan nilang “Hop-On-Hop-Off tours na isang malinaw na indikasyon aniya na ginagamit ng ahensiya ang teknolohiya upang mas lalo pang mapaunlad at mapahusay ang turismo sa Metro Manila.
Paliwanag pa ni Madrona na nauunawaan nito kung bakit kapursigido at kadeterminado si Frasco na mai-angat ang Philippine tourism ay sa kadahilanang ang turismo ng bansa ang nagsisilbing “bread and butter” ng Pilipinas o pinagkukuhanan ng napakalaking kita mula sa panig ng mga lokal at dayuhang turista.
Kaugnay nito, ibinahagi naman ni Sec. Frasco na 22 pang Tourist Rest Areas (TRAs) ang malapit nang magawa sa Batanes na aabot hanggang sa Timog ng Sulu kabilang na ang Tawi-Tawi, Eastern Samar at Brooke’s Point, sa Palawan.
𝗧𝗼 𝗚𝗼𝗱 𝗯𝗲 𝘁𝗵𝗲 𝗚𝗹𝗼𝗿𝘆