Romblon

Pagiging siyudad ng Odiongan sa Romblon itutulak

Mar Rodriguez Nov 11, 2025
395 Views

SISIKAPIN ni Romblon Lone District Representative Eleandro Jesus “Budoy” Madrona na maging siyudad ang kanilang lalawigan sa kabila ng mahigpit na requirements upang maisakatuparan ang naturang balakin.

Sa isang panayam sa radyo, aminado si Madrona na noong unang termino pa lamang nito bilang kongresista ay inasam na nito na maging siyudad ang bayan ng Odiongan subalit sa kasamaang palad aniya ay napakalaki ng mga hinihinging requirment sa aspeto ng land area.

“Actually during my first term, I looked up Odiongan to be declared a City. Only unfortunately napakalaki ng requirment in terms of land area,” ani Madrona.

Sinabi ni Madrona na noong mga panahong iyon ay kinausap umano nito ang mga Mayors ng iba’t-ibang bayan sa Romblon upang magkaisa silang lahat patugkol sa paghahain ng application para sa conversion kung saan ang kani-kanilang bayan ay magiging distrito.

Ipinaliwanag pa ng kongresista na ang pagkakaroon ng distrito sa Romblon ay matutulad aniya sa lalawigan ng Iloilo kung saan mayroon silang distrito ng Jaro, distrito ng Mandurijao at iba pang mga dating bayan.

“So at that time I talked to the Mayors. Ang sabi ko, can we join as one because we will apply the conversion at kayo ay magiging distrito gaya ng Iloilo City. At the time ayaw pumayag ang dalawang bayan,” sabi pa nito.

Dahil dito, nabatid kay Madrona na sisikapin nito na muling isulong sa Kamara de Representantes ang pagiging siyudad ng Romblon sakaling ito ay qualified na.

“As long qualified na. The Congress was allowing na mayroong kang two out three, pero ngayon naging strikto na,” pahayag pa ni Madrona.

To God be the Glory