Calendar
![GMA](https://peoplestaliba.com/wp-content/uploads/2025/02/GMA.jpg)
Pagka-dismiss ng kaso acts of lasciviousness vs GMA contractors walang bawas sa bigat ng kasong gahasa
BINIGYANG-DIIN ni Senate President Pro Tempore Jinggoy Ejercito Estrada na ang pagkakabasura ng Pasay court sa kasong acts of lasciviousness laban sa dalawang independent contractors ng GMA Network ay hindi nangangahulugang nababawasan ang bigat ng kasong panggagahasa na isinampa ni aktor Sandro Muhlach, na nananatiling nakabinbin sa isang hiwalay na hukuman.
“The dismissal of Sandro Muhlach’s case of acts of lasciviousness against the two GMA independent contractors is based on a mere technicality and does not, in any way, diminish the gravity of a more serious charge, the rape case, he filed which is pending before a separate court in Pasay,” pahayag ni Estrada.
Muling ipinahayag ng senador ang kanyang paninindigan sa pagsuporta sa mga biktima ng pang-aabuso, partikular na sa industriya ng telebisyon at pelikula, kung saan siya mismo ay matagal nang bahagi.
“Naninindigan ako para sa mga biktima ng pang-aabuso, hindi lamang ng mga taga-industriya sa telebisyon at pelikula na kinabibilangan ko. Nasabi ko na ito noon at uulitin ko, hinding-hindi ko kukunsintihin ang pang-aabuso ng may kapangyarihan sa industriya,” ani Estrada.
Habang nagpapatuloy ang legal na proseso, nanawagan siya sa lahat ng panig na hayaang umiral ang patas at walang kinikilingang pagdinig sa kaso.
“As the legal proceedings continue, I urge all parties to allow the courts to decide fairly and impartially. I remain hopeful that justice will eventually be served,” dagdag niya.
Kamakailan, ibinasura ng Pasay Metropolitan Trial Court ang kasong acts of lasciviousness laban sa mga GMA contractors na sina Jojo Nones at Richard Cruz, na idineklarang saklaw na ng mas mabigat na kasong panggagahasa na isinampa sa Pasay Regional Trial Court.
Tinukoy ng hukuman na hindi na kinakailangan ang hiwalay na pagsasampa ng kasong lasciviousness. Samantala, nagpapatuloy ang paglilitis sa kasong panggagahasa sa isang hiwalay na korte.