Dy

Pagkaka-apruba ng Kamara sa Magna Carta for BHWs pinapurihan

Mar Rodriguez Dec 13, 2022
166 Views

PINAPURIHAN ng isang Central Luzon congressman ang pagkaka-apruba ng Kongreso sa Magna Carta for Barangay Health Workers sa ilalim ng House Bill No. 6557 na isang napakalaking hakbang para mapabuti ang kondisyon ng mga BHWs.

Ang Magna Carta for Barangay Health Workers (BHWs) na isa sa mga tinatawag na “priority measures” ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. ay ipinasa na ng Kamara sa ikatlo at huling pagbasa na nagbibigay proteksiyon sa mga barangay health frontlines.

Kaugnay nito, ikinagalak ni Isabela 6th Dist. Cong. Faustino “Inno” A Dy V ang pagkakapasa ng nasabing panukalang batas na kumikilala sa mahalagang papel na ginagampanan ng mga BHWs na nagbibigay ng serbisyo o health service sa kani-kanilang komunidad.

Binigyang diin ni Dy na ang pag-apruba ng Mababang Kapulungan sa Magna Carta for Barangay Health Workers ay maituturing din bilang isang pasasalamat sa kanilang hindi matatawarang sakripisyo at ibinigay na serbisyo para sa kapakanan ng mamamayan.

“Mahalagang papel ang ginagampanan ng ating mga Barangay Health Workers lalo na noong kasagsagan ng COVID-19 pandemic. Dito natin makikita ang makaling sakripisyong ibinigay nila para lamang sa paglilingkod sa kanilang komunidad at sa mamamayan,” ayon kay Dy.