Magkaisa

Pagkakaisa at malasakit sa Araw ng mga Santo at Araw ng mga Kaluluwa, panawagan ni Speaker Romualdez

Mar Rodriguez Nov 1, 2024
108 Views

HINIKAYAT ni Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez ang mga Pilipino na ipagdiwang ang Araw ng mga Santo at Araw ng mga Kaluluwa sa pamamagitan ng pagkakaisa at malasakit para sa mas matatag na Pilipinas.

“As we come together on this sacred occasion of All Saints’ Day and All Souls’ Day, let us pause to honor the saints and the loved ones who have touched our lives, those whose spirit and memory continue to inspire us long after they have gone,” ani Speaker Romualdez.

“These days remind us that while they may no longer be with us, their values, love, and courage remain, guiding us forward,” ayon pa sa pinuno ng Kamara na mayroong mahigit na 300 kinatawan.

Ayon kay Speaker Romualdez, ang bawat kandilang sinisindihan at dasal na iniaalay ay paraan ng pag-alala sa mga sumakabilang buhay na nag-iwan ng bakas at ambag sa lipunan.

Hinimok niya ang lahat na ipagpatuloy ang iniwang pamana ng mga sumakabilang buhay sa pamamagitan ng kabutihan at pagkakaisa.

“Each candle we light, every prayer we offer, is a tribute to lives that have left a lasting mark on our hearts,” ayon kay Speaker Romualdez.

Dagdag pa niya, “Let us carry their legacy forward, embracing their kindness and unity, and let us be beacons of hope for each other. In their memory, let us lift one another and create a stronger, more compassionate Philippines,” dagdag niya.

Bilang pagbibigay halaga sa mga araw na ito, hinikayat ni Speaker Romualdez ang mga Pilipino na gawing inspirasyon ang paggunitang ito upang tahakin ang kinabukasan.

“This time of remembrance is not only about honoring the past but about drawing strength from it to build a future worthy of their dreams,” ayon pa sa mambabatas.

“May the light of those we honor today guide our every step, and may we, as one people, continue their legacy of love, faith, and resilience,” dagdag pa nito.

Nag-iwan din si Speaker Romualdez ng mensahe ng pag-asa para sa bansa: “Mabuhay po tayong lahat, at nawa’y magbigay-lakas ang alaala ng ating mga mahal sa buhay upang tayo’y magpatuloy nang may pag-asa at pagkakaisa.”