Chavit

Pagkakaroon ng integridad, isang salita sandigan ni Manong Chavit

191 Views

CANDON CITY, ILOCOS SUR – Ang kahalagahan ng pagkakaroon ng integridad at isang salita ang sandigan ni senatorial candidate Luis “Manong Chavit” Singson upang maging isang huwaran at matagumpay na public servant.

Ayon kay Manong Chavit, mahalagang pangalagaan ang kredibilidad at integridad ng isang tao, kaya naman isinasabuhay niya ang kanyang paglilingkod sa bayan na may isang salita.

“Kapag sinabi ko, gagawin ko, dahil may isang salita ako,” saad ni Manong Chavit sa mga dumalo sa 202nd-anniversary celebration ng Divine Word College of Vigan, Ilocos Sur noong Sabado.

Dadgag pa niya, palagi siyang pinapaalalahanan ng kanyang ama na ang kredibilidad ang pundasyon at sandigan ng isang matagumpay na lider at ang pagkakaroon ng magandang reputasyon at pagtupad sa mga sinasabi ay mga “non-negotiable” na katangian niya personal man na buhay o sa buhay niya bilang public servant.

“Hindi lang dapat puro pangako, dapat tinutupad ito. Dapat may isang salita,” sabi ni Manong Chavit, na Number 58 sa Senate ballot.

Ibinahagi rin niya ang kanyang mga naranasan sa Divine World College noong nag-aaral pa siya at sinabing isa ito sa naghubog sa kanya upang maging isang mabuting public servant.

Nagpahayag naman ng suporta ang Batch 1984 gaya ni Noel Meinrado F. Plete na nagsabing kailangan sa Senado ang taong may isang salita.

Dinaluhan ang pagtitipon ng mga alumni at lokal na lider na sama-samang nagbigay ng parangal kay Manong Chavit dahil sa ginawa niyang mga hakbang upang mabago ang pamumuhay sa Ilocos Sur na dating isa sa pinakamahirap na probinsya pero ngayon ay pang-lima na sa pinakamayamang probinsya sa bansa.

Isinulong rin ni Manong Chavit ang kanyang mga adhikain sa Senado gaya ng modernisasyon ng public utility vehicles kung saan handa siyang gumastos ng sarili niyang pera mabigyan lamang ng electric vehicles ang mga drivers at operators.

“Walang interes at walang downpayment. Ako lang ang gumagawa ng ganoon,” sabi niya.

Ibinahagi rin ni Manong Chavit ang VBank initiative na naglalayong matugunan ang problema sa pagiging “unbanked” ng nasa 77 percent ng mga Pilipino.

Samantala, pinarangalan naman ni Ilocos Sur Gov. Jerry Singson – na alumnus rin ng Divine Word College – ang paaralan dahil sa paghubog nito sa mga natatanging lider ng probinsya.

“Ang institusyong ito ay nakapag-produce ng mga prominente at kilalang tao sa kasaysayan ng Ilocos sa loob ng mahigit 200 taon,” saad ng gobernador, na kinikilala ang kritikal na papel na ginagampanan ng paaralan sa paglinang ng pamumuno tulad ng integridad.