Magsino

Pagkakaroon ng mas epektibong on-site monitoring ang DMW para sa mga OFWs suportado ni Magsino

Mar Rodriguez Mar 5, 2025
24 Views

Magsino1Magsino2Magsino3SINUSUPORTAHAN ni OFW Party List. Rep. Marissa “Del Mar” P. Magsino ang panukalang pagkakaroon ng mas epektibong “on-site monitoring” ang Department of Migrant Workers (DMW) upang maprotektahan ang libo-libong Overseas Filipino Workers (OFWs).

Bilang Kinatawan ng mga OFWs sa Kamara de Representantes, labis na ikinababahala ni Magsino ang mga kaso ng pang-aabuso laban sa mga Pilipinong manggagawa sa abroad kung saan ay napapatuloy parin ito sa kabila ng mga ginagawang paghihipit.

Binigyang diin ni Magsino na hindi sapat na suriin lamang ang kontrata ng isang OFW bago ito umalis ng Pilipinas patungo sa bansang pagta-trabahuhan nito. Bagkos, kailangan aniyang tiyakin na naipapatupad ng tama ang nakasaad sa kontrata.

Ipinaliwanag ng kongresista na nangyayari ang mga pang-aabuso at pagmamaltrato sa isang OFW kapag siya ay nagsimula ng magtrabaho sa kompanyang pinapasuikan nito kung saan hindi na nasusunod ang mga nakasaad sa kaniyang kontrata.

Dahil dito, sabi ni Magsino na sinasang-ayunan nito ang pagkakaroon ng on-site monitoring ang DMW upang personal nilang makita ang kalagayan ng isang OFW sa pinagta-trbahuhan nito para maprotektahan narin ang ating mga kababayan sa mga pang-aabuso.

Kinakatigan din ni Magsino ang panukalang pagpapalakas ng Philippine Overseas Labor Offices (POLO) kasunod ang pagkakaroon ng mas mabilis na case handling ng DMW at Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) kabilang na ang mga Embahada.

Samantala, personal na nakipagkita at nakipag-pulong si Magsino kina General Mamerto Trinidad, Nueva Ecija Mayor Anita M. Arocena at Municipal Administrator Doc Emmanuel San Juan.

Magugunitang nakipagkita si Magsino sa pamilya ni Mary Jane Veloso sa Nueva Ecija.