Vargas

Pagkakatalaga ni PBBM kay DA Sec. Laurel ikinagalak ni Vargas

Mar Rodriguez Nov 4, 2023
295 Views

IKINAGALAK NI House Assistant Majority Leader at Quezon City 5th Dist. Cong. Patrick Michael “PM” D. Vargas ang kasalukuyang pagkakatalaga ni President Ferdinand “Bongbong” R. Marcos, Jr. kay Francisco Tiu Laurel bilang bagong Kalihim ng Department of Agriculture (DA).

Sinabi ni Vargas na magagamit ni Laurel ang kaniyang malwak na karanasan o expertise bilang bagong Kalihim ng DA patungo sa pagpapa-angat at pagpapayabong sa sektor ng agrikultura kabilang na ang sector ng fisheries.

Naniniwala si Vargas na maraming mai-aambag si Laurel mula sa kaniyang malawak na karanasan sa private sector para makatulong sa DA sa pamamagitan ng kaniyang efficiency, innovation at stratehiya.

Ipinaliwanag din ni Vargas na magagamit ng bagong Kalihim ang kaniyang malawak at mayabong na karanasan sa private sector para mai-angat nito ang kalidad ng kaniyang ahensiya bunsod narin ng mga programang dati nitong naiuslong sa pribadong sektor katulad ng food security at paglago ng ekonomiya.

Ayon sa kongresista, malaki ang maitutulong ng mga karanasan ni Laurel sa larangan ng management ng large-scale operation partikular na sa usapin ng supply chain, marjet demands at global trends.

Binigyang diin pa ng House Assistant Majority Leader na sa pamamagitan nito ay maitataguyod aniya ang partnership sa pagitan ng gobyerno at private sector partikular na sa pagsusulong ng economic growth sa grassroots level na siyang mararamdaman ng mga ordinaryong mamamayan.