Calendar
Pagkilos ng Multinational Village vs POGO pinuri
SINUPORTAHAN ๐ป๐ถ ๐ ๐ฎ๐ป๐ถ๐น๐ฎ ๐ฎ๐ป๐ฑ ๐๐ถ๐๐. ๐๐ผ๐ป๐ด. ๐ฅ๐ผ๐น๐ฎ๐ป๐ฑ๐ผ “๐๐ฅ๐ฉ” ๐ . ๐ฉ๐ฎ๐น๐ฒ๐ฟ๐ถ๐ฎ๐ป๐ผ ๐ฎ๐ป๐ด ๐ฝ๐ฎ๐ด๐ธ๐ถ๐น๐ผ๐ ๐ป๐ด ๐ฝ๐ฎ๐บ๐๐ป๐๐ฎ๐ป ๐ป๐ด ๐ ๐๐น๐๐ถ๐ป๐ฎ๐๐ถ๐ผ๐ป๐ฎ๐น ๐ฉ๐ถ๐น๐น๐ฎ๐ด๐ฒ ๐๐ฎ ๐ฃ๐ฎ๐ฟ๐ฎ๐ป๐ฎ๐พ๐๐ฒ ๐๐ถ๐๐ ๐น๐ฎ๐ฏ๐ฎ๐ป ๐๐ฎ ๐ฃ๐ต๐ถ๐น๐ถ๐ฝ๐ฝ๐ถ๐ป๐ฒ ๐ข๐ณ๐ณ๐๐ต๐ผ๐ฟ๐ฒ ๐๐ฎ๐บ๐ถ๐ป๐ด ๐ข๐ฝ๐ฒ๐ฟ๐ฎ๐๐ผ๐ฟ๐ (๐ฃ๐ข๐๐ข) ๐๐ฎ ๐ธ๐ฎ๐ป๐ถ๐น๐ฎ๐ป๐ด ๐น๐๐ด๐ฎ๐ฟ.
Ayon kay Valeriano, chairperson ng House Committee on Metro Manila Development, hindi na niya kailangan pang maging residente ng Paraรฑaque City para lamang maiparamdam nito ang kaniyang suporta sa naging hakbang ng Homeowners Association sa Multinational Village.
Ito ay matapos na tiyakin ng nanalong Pangulo ng nasabing grupo na si Ginoong Arnel Gacutan na determinado siyang walisin ang POGO sa kanilang lugar.
Pinapurihan ni Valeriano ang pahayag ni Gacutan sapagkat ang paglaban aniya sa illegal POGO ay kinakailangan ng “whole system approach” sa pamamagitan ng partisipasyon ng bawat mamamayan kabilang na ang mga nasa “grassroot level” gaya ng grupo ni Gacutan at mga kauri nito.
Paliwanag ng kongresista, hindi kakayanin ng pamahalaan ang pagpuksa sa POGO kung nag-iisa lamang ito sa pagsasagawa ng kampanya laban sa nasabing illegal na sugal, dahil kinakailangan ang suporta ng buong mamamayang Pilipino.
Pagdidiin ni Valeriano, nakapahalaga ng nagkakaisang suporta at boses ng buong mamamayan laban sa illegal na operasyon ng POGO dahil ang POGO ay hindi lamang problema ng gobyerno kundi ng mga Pilipino mismo sa kabuuan.
“Kailangan na nating tuminding bilang mga Pilipino laban sa POGO. Ito’y hindi lamang problema ng ating pamahalaan, kundi ng buong Pilipinas. Kaya kailangan talaga ang tulong mula sa mga mamamayan,” sabi ni Valeriano.