Martin

Paglahok ni PBBM sa WEF maganda ang simula

188 Views

NAGING maganda ang naging simula ng paglahok ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa World Economic Forum (WEF) sa Davos, Switzerland.

Kumpiyansa si Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez na gaya ng mga naunang biyahe ng Pangulo ay magiging matagumpay din ito at makakahakot ng mga mamumuhunan na makakatulong sa pag-unlad ng bansa.

“This is an auspicious start and bodes well for the success of the President’s mission here at the WEF and that is to position the Philippines as an investment hub and gateway to the Asia-Pacific region,” sabi ni Romualdez.

Sinabi ni Romualdez na “excited” na makinig sa kuwento ng pagbangon ng Pilipinas ang mga dumalo sa idinaos na dinner.

“I am confident that the President would get the same response as he articulates the gains made under his administration to make the Philippines more investment-friendly,” dagdag pa ni Speaker Romualdez na kasama sa mga dumalo sa hapunan.

Dumalo sa naturang hapunan sina:

1. Luhut Pandjaitan, Coordinating Minister ng Maritime and Investment Affairs, Republic of Indonesia

2. Andy Jassy, CEO, Amazon

3. Jared Kushner, Founder, Affinity Partners

4. Patrick Foulis, Editor-in-Chief, Economist

5. Alan Jope, CEO, Unilever

6. Bill Ford, CEO, General Atlantic,

7. Molly Ford, Wife of Bill Ford

8. Bahlil Lahadalia, Minister of Investment, Republic of Indonesia

9. Dr. Bambang Susantono, Chairman ng ID New Capital City Authority

10. Arkhom Termpittayapaisith, Minister of Thailand

11. Jaime Bautista, kalihim ng Department of Transportation ng Pilipinas

12. Arsjad Rasjid, Chairman ng KADIN

13. Tony Blair, Executive Chairman ng Tony Blair Institute for Global Change

14. Dolf van den Brink, CEO ng Heineken,

15. Rachel Lord, Head of Asia, BlackRock

Nina RYAN PONCE PACPACO & ROY PELOVELLO