Martin

Paglalaan ng mas marami pang pondo o funding para sa BPSF, ikinagalak ni Madrona

Mar Rodriguez Aug 3, 2024
109 Views

Martin1Martin2Martin3𝗧𝗔𝗖𝗟𝗢𝗕𝗔𝗡, 𝗟𝗘𝗬𝗧𝗘 – 𝗜𝗸𝗶𝗻𝗮𝗴𝗮𝗴𝗮𝗹𝗮𝗸 𝗻𝗴 𝗖𝗵𝗮𝗶𝗿𝗺𝗮𝗻 𝗻𝗴 𝗛𝗼𝘂𝘀𝗲 𝗖𝗼𝗺𝗺𝗶𝘁𝘁𝗲𝗲 𝗼𝗻 𝗧𝗼𝘂𝗿𝗶𝘀𝗺 𝗻𝗮 𝘀𝗶 𝗥𝗼𝗺𝗯𝗹𝗼𝗻 𝗟𝗼𝗻𝗲 𝗗𝗶𝘀𝘁. 𝗖𝗼𝗻𝗴. 𝗘𝗹𝗲𝗮𝗻𝗱𝗿𝗼 𝗝𝗲𝘀𝘂𝘀 “𝗕𝘂𝗱𝗼𝘆” 𝗙. 𝗠𝗮𝗱𝗿𝗼𝗻𝗮 𝗮𝗻𝗴 𝗻𝗮𝗴𝗶𝗻𝗴 𝗮𝗻𝘂𝗻𝘀𝗶𝘆𝗼 𝗻𝗶 𝗛𝗼𝘂𝘀𝗲 𝗦𝗽𝗲𝗮𝗸𝗲𝗿 𝗙𝗲𝗿𝗱𝗶𝗻𝗮𝗻𝗱 𝗠𝗮𝗿𝘁𝗶𝗻 𝗚𝗼𝗺𝗲𝘇 𝗥𝗼𝗺𝘂𝗮𝗹𝗱𝗲𝘇 𝗺𝗮𝘁𝗮𝗽𝗼𝘀 𝗻𝗶𝘁𝗼𝗻𝗴 𝘁𝗶𝘆𝗮𝗸𝗶𝗻 𝗻𝗮 𝗺𝗮𝘀 𝗺𝗮𝗿𝗮𝗺𝗶 𝗽𝗮𝗻𝗴 “𝗳𝘂𝗻𝗱𝗶𝗻𝗴” 𝗼 𝗽𝗮𝗴𝗹𝗮𝗹𝗮𝗴𝗮𝗸 𝗻𝗴 𝗽𝗼𝗻𝗱𝗼 𝗽𝗮𝗿𝗮 𝘀𝗮 𝗺𝗴𝗮 𝗽𝗿𝗼𝗴𝗿𝗮𝗺𝗮 𝗮𝘁 𝗽𝗿𝗼𝘆𝗲𝗸𝘁𝗼 𝗻𝗴 𝗳𝗹𝗮𝗴𝘀𝗵𝗶𝗽 𝗽𝗿𝗼𝗴𝗿𝗮𝗺 𝗻𝗴 𝗮𝗱𝗺𝗶𝗻𝗶𝘀𝘁𝗿𝗮𝘀𝘆𝗼𝗻𝗴 𝗠𝗮𝗿𝗰𝗼𝘀, 𝗝𝗿. 𝗻𝗮 𝗕𝗮𝗴𝗼𝗻𝗴 𝗣𝗶𝗹𝗶𝗽𝗶𝗻𝗮𝘀 𝗦𝗲𝗿𝗯𝗶𝘀𝘆𝗼 𝗙𝗮𝗶𝗿 (𝗕𝗣𝗦𝗙).

Isa si Madrona sa mga kongresista na personal na dumalo sa ginanap na region-wide payout ng MEGA-BPSF sa Tacloban, Leyte na dinaluhan din ng buong puwersa ng mga miyembro ng Kamara de Representantes sa pangunguna ng House Speaker kabilang na ang iba pang lokal na opisyal mula naman sa Eastern Visayas.

Ayon kay Madrona, inaasahan na mas marami pang mamamayang Pilipino ang mabibiyayaan ng BPSP Serbisyo Caravan partikukar na ang mga pamilyang dumaranas ng matinding kahirapan kung maipagpapatuloy ng gobyerno ang pamimigay nito ng financial assistance at iba pang aguda sa pamamagitan ni House Speaker Romualdez.

Paliwanag ni Madrona, sa kaniyang pagdalo sa serbisyo fair, nasaksihan niya kung gaano karaming mahihirap na Pilipino ang nabibiyayaan ng tulong ng BPSF program matapos na 8,500 residente ng Eastern Visayas ang nakatanggap ng bigas, tulong pinansiyal sa nasabing region-wide payout nv MEGA BPSF sa Tacloban, Leyte.

Dagdag pa ng Romblon congressman na ang pinakamahalaga sa mga isinasagawang BPSF Serbisyo Caravan ay tumatatak sa isipan ng libo-libong mamamayan ang magaganda at epektibong programa na isinusulong ni President Ferdinand “Bongbong” R. Marcos, Jr. upang unti-uting solusyun ang nararanasang kahirapan at karukhaan sa bansa.

Sabi pa ni Madrona, si Speaker Romualdez aniya ang nasa likod nagsulong ng Cash Assistance and Rice Distribution (CARD) program kabilang na dito ang Start-up, Incentives, Business Opportunity and Livelihoos (SIBOL) at Integrared Scholarship and Incentives for the Youth (ISIP for the Youth).

Nauna rito, ipinahayag ni Speaker Romualdez na kabuuang 8,500 benepisyaryo mula sa Eastern Visayas ang nabigyan ng bigas, educational at livelihood assistance mula sa ilalil ng tatlong programa na isisnulong niya alinsunod sa pagnanais ni Pangulong Marcos, Jr. na matulungan ang mga nangangailangang sektor na hindi sakop ng social protection programs ng gobyerno.

“Kapag may Bagong Serbisyo Fair sa isang lugar, isinasabay na rin natin ang CARD, Sibol at ISIP. Natutulungan natin ang mga sektor na hindi naman makakasama sa 4Ps program ay alam nating nahihirapan sa hamon ng pang-araw-araw na pamumuhay,” sabi ni Speaker Romualdez.