Frasco

Paglilingkod ni Frasco para sa kaniyang mga kababayan patindi ng patindi, palakas ng palakas

Mar Rodriguez Apr 9, 2024
125 Views

Frasco2Frasco3Frasco4Frasco5Frasco1 PALAKAS ng palakas at patindi ng patindi ang sigwada ng paglilingkod ni House Deputy Speaker at Cebu 5th Dist. Cong. Vincent Franco “Duke” D. Frasco para sa kaniyang mga kababayan sa pamamagitan ng sunod-sunod na proyekto.

Malayo-layo pa bago muling mag-convene ang session ng Kamara de Representantes matapos ang “Holy Week break”. Subalit ngayon pa lamang ay todo hataw na si Deputy Speaker Frasco sa paglilingkod at pagse-serbisyo sa kaniyang mga kababayan sa pamamagitan ng mga infrastructure projects.

Tinungo ni Frasco ang Barangay Santiago sa Munisipalidad ng San Francisco para isagawa ang pagte-turn over sa Multi-Purpose Building na nagkakahalaga ng P5 million. Kung saan, malaki ang maitutulong ng Multi-Purpose Building para sa mga mamamayan ng Barangay Santiago.

Ang isa sa mga pinasimulan nitong infrastructure project ay magsisilbi bilang Lifeguard Station at Tourist Police Station para pangalagaan at mabigyan ng kaukulang pag-iingat (safeguard) ang libo-libong turista na nagtutungo ng Cebu para bumisita sa Santiago Bay Beach.

Ayon kay Frasco, ang pangunahing concern nila ay ang mabigyan ng karampatang proteksiyon ang mga lokal at dayuhang turista na nagtutungo sa kanilang lalawigan para bisitahin ang mga magagandang beach resort tulad ng Santiago Bay Beach na isang top tourist destination sa Camotes Island.

“This new infrastructure project will serve as a Lifeguard Station and Tourist Police Station to help safeguard the numerous tourists that visit the Santiago Bay Beach. Which is one of the top tourist destination of the Camotes Island,” sabi ni Frasco.

Tulad ng malakas na lindol sa Taiwan, ganito rin katindi ang paglilingkod ni Frasco sapagkat matapos isagawa ang mga infrastructure projects nag-donate din ang kongresista ng P100,000 mula sa kaniyang personal funds para naman sa mga proyekto at programa ng Barangay Santiago.