CCG Source: AFP

Pagpalag ng China sa dalawang bagong batas ng Pilipinas sa WPS, expected na– PBBM

Chona Yu Nov 12, 2024
39 Views

IPINAGKIBIT balikat lamang ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang pagpalag ng China sa dalawang bagong batas na nilagdaan pabor sa soberanya ng Pinas sa West Philippine Sea (WPS).

Ayon kay Pangulong Marcos, wala siyang pakialam sa pag-aalburuto ng China dahil ang mahalaga ay naipaliwanag ng Pilipinas ang karapatan nito sa katubigan ng WPS.

Sinabi kasi ng China na magpapalala lang sa sitwasyon ang WPS ang ipinasang mga batas na Philippine MARITIME Zones Act at Philippine Archipelagic Sea Lanes Act.

“Well, it’s not unexpected but we have to define closely … marami tayong sinasabi that we have to protect our sovereign rights and our sovereignty. So, it serves a purpose that we define closely what those boundaries are, and that’s what we are doing,” pahayag ni Pangulong Marcos.

Nilagdaan ni Pangulong Marcos ang dalawang bagong batas noong Lunes.