Calendar

Pagpanaw ni Gov. Enerlan isang malaking kawalan sa Leyte – Speaker Romualdez
NAKIISA si Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez sa mga mamamayan ng Leyte at sa Tingog Party-list sa pakikiramay sa pagpanaw ni dating Leyte Gov. Edgar Mercado Enerlan, na inialay ang kanyang buhay sa pagseserbisyo at dedikasyon sa mga kapwa Waray.
Ayon sa lider ng Kamara de Representantes na mayroong 306 kinatawan, ang pagpanaw ni Enerlan ay isang malaking kawalan para sa lalawigan at sa mga Leyteño.
“Ang pagkawala ni Gov. Enerlan ay isang napakalaking dagok hindi lamang sa kanyang pamilya at mahal sa buhay kundi sa buong lalawigan ng Leyte. Isa siyang tunay na lingkod-bayan: mapagkumbaba, matapat at may pusong nakatuon sa kapakanan ng bawat Waray,” ani Speaker Romualdez.
“Sa mga panahong puno ng hamon at pag-asa, palagi siyang nariyan. Nagmamasid, gumagabay at hindi kailanman bumitiw sa kanyang paninindigan,” dagdag pa ni Speaker Romualdez.
Inilarawan din ni Speaker Romualdez ang pumanaw na gobernador na “a pillar of strength and wisdom who helped lay the foundation for what Tingog Party-List stands for today.”
“As one of its founding fathers, he played an instrumental role in shaping a movement rooted in compassion, unity and a firm resolve to uplift the voiceless. His vision was always clear: that the people of Eastern Visayas deserve a voice that echoes in the halls of national policymaking,” saad ni Speaker Romualdez.
Kumpiyansa ang lider ng Kamara na ang mga prinsipyo sa pamumuno ni Enerlan ay mananatiling gabay ng mga susunod sa kanyang yapak upang maabot ang pag-unlad sa isang inklusibong Pilipinas.
“His name will always be spoken with reverence in the story of Leyte’s progress and Tingog’s continuing advocacy,” aniya.
Ipinahatid din ng lider ng Kamara ang “deepest condolences” niya at ng Mababang Kapulungan ng Kongreso sa pamilya ni Enerlan.
“May they find comfort in the knowledge that his life was one of purpose, and that he leaves behind a legacy that will endure for generations,” ani Speaker Romualdez.
“As Speaker of the House and a son of Leyte, I stand with his loved ones and the many communities he touched. We grieve together, we remember together, and we commit to keeping his legacy alive through our continued service,” dagdag pa niya.
“Rest well, Mano Edgar. You have run your race with honor. We will carry on the torch you have passed,” pagtatapos ni Speaker Romualdez.