Calendar

Pagpanaw ni Pilita ipinagdalamhati ni Mayor Honey
NAGPAABOT ng pakikidalamhati si Manila Mayor Honey Lacuna sa pagpanaw ni Pilita Corrales noong Sabado sa edad na 85.
“We mourn the passing of Ms. Pilita Corrales, Asia’s Queen of Songs and icon of Cebuano and Filipino music,” pahayag ni Mayor Lacuna.
Sinabi ng alkalde na ang Manila lungsod ng mga migrante na karamihan mula sa Cebu at iba pang panig ng Visayas kung saan isinilang at lumaki ang mang-aawit.
Dahil dito, nararapat lamang na makiramay siya at ang mga Manileños kay Corrales dahil sa pamana, sakripisyo, kagandahan at musika na hanggang ngayon nakatatak sa puso ng maraming Pilipino.
“Pilita Corrales is a national treasure whose talents overflowed to movies, television, talent management and global goodwill to Filipino communities worldwide,” pahayag ng alkalde.