Pagpapalakas ng national soil health strategy nilagdaan ng PH, Australia

185 Views

ISANG memorandum of understanding (MOU) ang nilagdaan ng Pilipinas at Australia upang mapalakas ang national soil health strategy ng dalawang bansa.

Ayon sa limang pahinang MOU, ang Department of Science and Technology (DOST) ang itinalaga para kumatawan sa gobyerno ng Pilipinas samantalang ang Australian Embassy in the Philippines naman ang kakatawan sa gobyerno nito.

Layunin ng memorandum na magtulungan ang dalawang bansa sa paggawa ng estratehiya upang mapaganda ang kalidad ng lupa at mapangasiwaan ito ng mabuti upang maparami ang produksyon sa sektor ng agrikultura.

“This collaboration will be anchored in trust, respect, and commitment to supporting each other for mutual benefit,” ayon sa MOU.

Magsasama rin ang dalawang bansa sa pagsasagawa ng research and development (R&D) na makatutulong sa paglikha ng National Soil Health Strategy.