Calendar
Pagpapalakas ng promotion ng mga opportunity market Ikinagalak
๐๐๐๐๐ก๐ c๐ต๐ฎ๐ถ๐ฟ๐ฝ๐ฒ๐ฟ๐๐ผ๐ป ๐ป๐ด ๐๐ผ๐๐๐ฒ ๐๐ผ๐บ๐บ๐ถ๐๐๐ฒ๐ฒ ๐ผ๐ป ๐ง๐ผ๐๐ฟ๐ถ๐๐บ, I๐ธ๐ถ๐ป๐ฎ๐ด๐ฎ๐ด๐ฎ๐น๐ฎ๐ธ ๐ป๐ถ ๐ฅ๐ผ๐บ๐ฏ๐น๐ผ๐ป ๐๐ผ๐ป๐ฒ ๐๐ถ๐๐. ๐๐ผ๐ป๐ด. ๐๐น๐ฒ๐ฎ๐ป๐ฑ๐ฟ๐ผ ๐๐ฒ๐๐๐ “๐๐๐ฑ๐ผ๐” ๐. ๐ ๐ฎ๐ฑ๐ฟ๐ผ๐ป๐ฎ ๐ฎ๐ป๐ด ๐ป๐ฎ๐ด๐ถ๐ป๐ด ๐ฝ๐ฎ๐ต๐ฎ๐๐ฎ๐ด ๐ป๐ถ ๐ง๐ผ๐๐ฟ๐ถ๐๐บ ๐ฆ๐ฒ๐ฐ. ๐ ๐ฎ๐ฟ๐ถ๐ฎ ๐๐ต๐ฟ๐ถ๐๐๐ถ๐ป๐ฎ ๐๐ฎ๐ฟ๐ฐ๐ถ๐ฎ ๐๐ฟ๐ฎ๐๐ฐ๐ผ ๐ป๐ฎ ๐๐ถ๐ป๐ถ๐๐ถ๐ธ๐ฎ๐ฝ ๐ป๐ถ๐๐ผ๐ป๐ด ๐ฝ๐ฎ๐น๐ฎ๐ธ๐ฎ๐๐ถ๐ป ๐ฎ๐ป๐ด ๐ฝ๐ฟ๐ผ๐บ๐ผ๐๐ถ๐ผ๐ป ๐ป๐ด ๐ฃ๐ถ๐น๐ถ๐ฝ๐ถ๐ป๐ฎ๐ ๐ฝ๐ฎ๐ฟ๐ฎ ๐บ๐ฎ๐ฝ๐ฎ๐๐ฎ๐ฎ๐ ๐ฎ๐ป๐ด ๐ฎ๐ป๐๐ฎ๐ ๐ป๐ด ๐ถ๐ป๐๐ฒ๐ฟ๐ป๐ฎ๐๐ถ๐ผ๐ป๐ฎ๐น ๐๐ถ๐๐ถ๐๐ผ๐ฟ๐.
Ayon kay Madrona, ang naturang pagkilos ng Department of Tourism (DOT) na naglalayong mas lalo pang pag-ibayuhin o paunlarin ang pagpasok ng mga dayuhang turista sa Pilipinas ay mangangahulugan din ng napakagandang oportunidad para unti-unting makabangon ang ekonomiya ng bansa.
Sabi ni Madrona na napakalaking ganansiya o kita para sa kaban ng gobyerno ang inaasahang target ng Tourism Department sa pamamagitan ng pagpasok ng tinatayang nasa 7.7 milyong international tourists o visitors sapagkat lalo pa nitong maiaangat sa napakataas na antas ang Philippine tourism kumpara sa mga nagdaang taon.
Dagdag pa ni Madrona na ang bansang South Korea parin ang nananatiling may pinakamataas na tourist arrival kung saan umaabot sa 906.809 ang bilang ng mga Koreanong nagpupunta o bumibisita sa Pilipinas.
Pagdidiin pa ng kongresista na kung magpapatuloy ang magandang lagay ng Philippine tourism hindi aniya malayong mahigitan pa ng DOT ang inaasam nitong target kung saan hindi pa kasama dito ang buwan ng Disyembre.
Samantala, pinangunahan ni Madrona ang isang “round table discussion” kasama ang DENR-Environment Management Bureau (EMB) sa MIMAROPA kaugnay sa nakatakdang development ng Crista de Gallo Island sa Munisipalidad ng San Fernando, Romblon.