Sen Pacquiao

Pagpapalaya sa walong Pinoy seafarers na nakulong sa Malaysia ikinagalak ni Pacquiao

Mar Rodriguez Apr 20, 2025
18 Views

NAGPAHAYAG ng kagalakan si Pambansang Kamao at Alyansa para sa Bagong Pilipinas (APBP) senatorial candidate Manny “Pacman” Pacquiao patungkol sa nangyaring pagpapalaya sa walong Filipino seafarers matapos silang makulong sa Malaysia.

Sinabi ni Pacquiao na ang napaulat na pagpapalaya sa walong Marinong Pinoy ay napakagandang balita hindi lamang para sa ating bansa bagkos pati na rin sa kanilang pamilya lalo na sa panahong ito na ipinagdiriwang ng bansa ang Holy Week.

Pagdidiin pa ni Pacquiao na napakalaking sakripisyo ang sinusuong ng mga Filipino seafarers para lamang mabigyan ng magandang buhay at kinabukasan ang kanilang pamilya.

Pinapurihan naman ng APBP senatorial bet ang Department of Migrant Workers (DMW), Department of Foreign Affairs (DFA), Migrant Workers Office (MWO) at Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) dahil sa kanilang naging pagsisikap para mapalaya ang mga nasabing Pilipino sa pamamagitan ng inter-agency collaboration.

Muling binigyang diin ni Pacquiao ang kaniyang commitment at adbokasiya para ipaglaban ang karapatan at kapakanan ng mga Overseas Filipino Workers (OFWs) at Filipino seafarers.

To God be the Glory