Just In

Calendar

April 2025
M T W T F S S
 123456
78910111213
14151617181920
21222324252627
282930  
Pacquiao

Pagpapanagot sa mga taong nagkakalat ng fake news sa social media kinatigan ni Pacquiao

Mar Rodriguez Apr 15, 2025
23 Views

RomeroKINAKATIGAN ni Pambansang Kamao at Alyansa para sa Bagong Pilipinas (APBP) senatorial candidate Manny “Pacman” Pacquiao ang pahayag ng isang mambabatas na panahon na upang papanagutin ang mga taong nagkakalat ng fake news at disinformation sa social media na nagpapagulo lamang sa sitwasyon ng ating bansa.

Ikinatuwiran ni Pacquiao na masyado na umanong malalim ang epekto ng paglaganap ng fake news at disinformation sa social media sapagkat maraming mamamayan ang lubha ng nalilito kung saan hindi na nila malaman kung ano ang kasinungalingan at kung ano naman ang katotohanan.

Pagbibigay diin pa ni Pacquiao na hindi dapat gamitin o gawing kasangkapan ng mga social media influencer ang “freedom of speech” sa pagpapakalat ng mga kasinungalingan, galit at paninirang puri sapagkat hindi aniya maituturing na kalayaan ang magpalaganap ng mga maling impormasyon, magpagalit ng mga tao at panlilibak o paninirang puri sa isang tao.

Ikinalulungkot din ni Pacquiao na sa halip na pagkakaisa, pag-ibig sa kapwa at pagpalalakas ng pananampalataya sa Diyos ang matunghayan sa social media ay pawang mga kasinungalingan, pambabalahura, pagmumura at walang tigil na bangayan ang makikita sa mga post sa social media na hindi aniya kaaya-aya.

Dahil dito, nakikiisa si Pacquiao sa pahayag ng isang kongresista na upang matigil na ang mga fake news at disinformation sa social media. Panahon na upang papanagutin ang mga taong responsable sa pagpapakalat nito.

Kasabay nito, nagpahayag naman ng pagkadismaya si 1-PACMAN Party List Representative First Nominee Mikaela Louise “Milka” Romero dahil sa patuloy na paglaganap ng mga fake news at disinformation sa social media sa kabila ng pinaigting na kampanya ng pamahalaan laban dito kung saan maraming kabataan ang nagiging biktima.

Bilang advocate ng mga kabataan, binigyang diin ni Romero na panahon narin upang magkaroon talaga ng ngipin ang ating mga batas laban sa fake news para tuluyan ng mahinto ang ganitong masamang kalakaran na walang naman talagang magandang idinudulot.