Calendar
Pagpapatayo ng bagong TRA sa Iloilo City, pinapurihan
𝗕𝗜𝗟𝗔𝗡𝗚 c𝗵𝗮𝗶𝗿𝗺𝗮𝗻 𝗻𝗴 𝗛𝗼𝘂𝘀𝗲 𝗖𝗼𝗺𝗺𝗶𝘁𝘁𝗲𝗲 𝗼𝗻 𝗧𝗼𝘂𝗿𝗶𝘀𝗺, m𝘂𝗹𝗶𝗻𝗴 𝗽𝗶𝗻𝗮𝗽𝘂𝗿𝗶𝗵𝗮𝗻 𝗻𝗶 𝗥𝗼𝗺𝗯𝗹𝗼𝗻 𝗟𝗼𝗻𝗲 𝗗𝗶𝘀𝘁. 𝗖𝗼𝗻𝗴. 𝗘𝗹𝗲𝗮𝗻𝗱𝗿𝗼 𝗝𝗲𝘀𝘂𝘀 “𝗕𝘂𝗱𝗼𝘆” 𝗙. 𝗠𝗮𝗱𝗿𝗼𝗻𝗮 𝘀𝗶 𝗗𝗲𝗽𝗮𝗿𝘁𝗺𝗲𝗻𝘁 𝗼𝗳 𝗧𝗼𝘂𝗿𝗶𝘀𝗺 (𝗗𝗢𝗧) 𝗦𝗲𝗰. 𝗠𝗮𝗿𝗶𝗮 𝗖𝗵𝗿𝗶𝘀𝘁𝗶𝗻𝗮 𝗚𝗮𝗿𝗰𝗶𝗮 𝗙𝗿𝗮𝘀𝗰𝗼 𝗺𝗮𝘁𝗮𝗽𝗼𝘀 𝗻𝗶𝘁𝗼𝗻𝗴 𝗽𝗮𝗻𝗴𝘂𝗻𝗮𝗵𝗮𝗻 𝗮𝗻𝗴 𝗴𝗿𝗼𝘂𝗻𝗱𝗯𝗿𝗲𝗮𝗸𝗶𝗻𝗴 𝗰𝗲𝗿𝗲𝗺𝗼𝗻𝘆 𝗽𝗮𝗿𝗮 𝘀𝗮 𝗽𝗮𝗴𝗽𝗮𝗽𝗮𝘁𝗮𝘆𝗼 𝗻𝗴 𝗽𝗮𝗻𝗶𝗯𝗮𝗴𝗼𝗻𝗴 𝗧𝗼𝘂𝗿𝗶𝘀𝘁 𝗥𝗲𝘀𝘁 𝗔𝗿𝗲𝗮 (𝗧𝗥𝗔) 𝘀𝗮 𝗠𝘂𝗻𝗶𝘀𝗶𝗽𝗮𝗹𝗶𝗱𝗮𝗱 𝗻𝗴 𝗧𝘂𝗯𝘂𝗻𝗴𝗮𝗻, 𝗜𝗹𝗼𝗶𝗹𝗼 𝗖𝗶𝘁𝘆.
Malaki ang kompiyansa ni Madrona na inaasahang mas lalo pang iigting ang popularidad ng Iloilo City sapagkat ang pagkakaroon dito ng panibagong TRA ang magsisilbing instrumento upang higit pang makilala ang naturang lalawigan.
Ipinabatid ni Madrona na nagkaroon ng Memorandum of Agreement (MOA) sa pagitan ng Munisipalidad ng Tubungan, Iloilo City at Tourism Department para sa pagpapasimula at pagpapatayo ng bagong TRA sa lalawigan.
Aniya, malaki din ang maitutulong ng TRA upang mas lalo pang mai-angat ang turismo sa Western Visayas. Ito ang kauna-unahan aniyang TRA sa lalawigan ng Iloilo.
Sa kaniyang mensahe sa ginanap na groundbreaking ceremony, binigyang diin ni Sec. Frasco ang kahalagahan ng pagkakaroon at pagpapatayo ng mga “basic infrastructure” para lalo pang paunlarin ang Philippine tourism.
“Kailangan talaga ng basic infrastructure para umunlad ang ating bansa at umunlad ang ating bayan. Sinisikap natin na magkaroon ng marami pang TRA sa mga lalawigan na makakatulong ng malaki sa lokal na turismo,” sabi ni Frasco sa kaniyang mensahe.
Samantala, nagkaroon ng pakikipag-pulong si Madrona sa pamunuan ng Department of Information and Communications Technology (DICT) ng MIMAROPA sa pangunguna ni Regional Director Emmy Lou V. Delfin para pag-usapan ang implementasyon ng “Free Wi-Fi for All” (FW4A) program ng DICT na nakatakdang pasimulan sa national high school ng Tablas, Island.