Vargas

Pagprayoridad ng Kamara sa Mental Health issues sinuportahan

Mar Rodriguez Oct 12, 2023
240 Views

SINUSUPORTAHAN ni Quezon City 5th Dist. Cong. Partick Michael “PM” D. Vargas ang naging pagkilos ng Kongreso sa pamamagitan ng pagbibigay prayoridad sa “mental health issue” matapos pumasa sa third and final reading ang State Universities Colleges (SUCs) Mental Health Service Act.

Binigyang diin ni Vargas, House Deputy Majority Leader, na napakahalagang maging bahagi ang Kamara de Representantes sa mga inilulunsad na hakbang upang mabawasan at maibsan ang batik ng discrimination patungkol sa mga taong dumaranas ng mental health problem.

“We must be part of a society which aims to reduce the entrenched stigma and discrimination on people with mental health problems. One way to effectively do this is to start with the young minds that we are shaping in universities, wherein pressures and influences are coming,” sabi ni Vargas.

Sinabi pa ni Vargas na batay sa datos ng Department of Health (DOH). Tinatayang nasa tatlong (3) million Filipinos ang nahaharap sa mental health issues kabilang na dito ang depression, anxiety o pagka-balisa at bipolar disorder o ang biglaang pagbabago ng mood ng isang tao.

Binanggit din ng Quezon City solon na alinsunod sa datos ng Department of Education (DepEd). Ini-ulat ng ahensiya na 404 insidente ng suicide o pagpa-pakamatay ng mga estudyante ang kanilang naitala. Habang nasa 2,147 suicide attempts naman ang naitala nito mula 2021 hanggang 2022.

Inihain ni Vargas ang House Bill No. 5925 o ang Campus Mental Health Act sa Kamara de Representantes na naglalayong mas pag-ibayuhin pa ang access sa mental health services para sa mga college students sa pamamagitan ng pagkakaloob sa kanila ng nararapat na suporta at iba pang serbisyo.