Vargas

Pagsasabatas ng inamiyendahang Centenarian Law ikinagalak ni Vargas

Mar Rodriguez Dec 12, 2023
138 Views

Vargas1Vargas2Vargas3IKINAGALAK ni House Assistant Majority Leader at Quezon City 5th Dist. Cong. Partick Michael “PM” D. Vargas ang nalalapit na pagsasabatas ng inameyendahang “Centenarian Law” kasunod ng naging ratipikasyon ng Kamara de Representantes sa Bicameral Conference Committee (Bicam).

Ayon kay Vargas, maituturing na isang napaka-gandang regalo ngayong panahon ng Kapaskuhan ang nalalapit na pagsasabatas ng inamiyendahang “Centenarian Law” sapagkat magkakaroon ng karagdagang cash incentives ang mga Lolo at Lola na magaganit nila sa pagbili ng kanilang mga pangangailangan.

Sinabi ni Vargas na bukod sa mga Senior Citizens na makakatanggap ng P100,000 kapag sila ay tumuntong sa edad na 100 years old. Ang mga Octagenarians at Nonagenarians din aniya ay inaasahang makakatanggap ng kahalintulad na benepisyo sa ilalim ng panukalang batas.

Ipinaliwanag pa ni Vargas na ang mga Lola at Lolo na aabot sa kanilang edad na 85, 90 at 95 na kaarawan ay makakatanggap ng P10,000 na cash gift. Kung saan, ang panukalang ito ay maaari nang iakyat sa tanggapan ni President Ferdinand “Bongbong” R. Marcos, Jr. para malagdaan.

Kasabay nito, pinangunahan ni Congressman Vargas ang paghahatid ng saya ngayong Pasko para sa mga Lolo at Lolo sa pamamagitan ng pagbibigay sa kanila ng regalo bukod para ang pagkakaroon ng exchange gifts.