Calendar
Pagsasabatas ng Magna Carta for Seafarers lagda na lamang ni PBBM ang kulang– Magsino
๐๐ก๐๐๐๐ฌ๐๐ ๐ป๐ถ ๐ข๐๐ช ๐ฃ๐ฎ๐ฟ๐๐ ๐๐ถ๐๐ ๐๐ผ๐ป๐ด. ๐ ๐ฎ๐ฟ๐ถ๐๐๐ฎ “๐๐ฒ๐น ๐ ๐ฎ๐ฟ” ๐ฃ. ๐ ๐ฎ๐ด๐๐ถ๐ป๐ผ ๐ป๐ฎ ๐ฎ๐ป๐ด ๐ฝ๐ถ๐ฟ๐บ๐ฎ ๐ป๐ฎ ๐น๐ฎ๐บ๐ฎ๐ป๐ด ๐ป๐ถ ๐ฃ๐ฟ๐ฒ๐๐ถ๐ฑ๐ฒ๐ป๐ ๐๐ฒ๐ฟ๐ฑ๐ถ๐ป๐ฎ๐ป๐ฑ “๐๐ผ๐ป๐ด๐ฏ๐ผ๐ป๐ด” ๐ฅ. ๐ ๐ฎ๐ฟ๐ฐ๐ผ๐, ๐๐ฟ. ๐ฎ๐ป๐ด ๐ต๐ถ๐ป๐ถ๐ต๐ถ๐ป๐๐ฎ๐ ๐ฝ๐ฎ๐ฟ๐ฎ ๐๐๐น๐๐๐ฎ๐ป ๐ป๐ด ๐บ๐ฎ๐ถ๐๐ฎ๐ฏ๐ฎ๐๐ฎ๐ ๐ฎ๐ป๐ด “๐ฝ๐ฒ๐ ๐น๐ฒ๐ด๐ถ๐๐น๐ฎ๐๐ถ๐ผ๐ป” ๐ป๐ถ๐๐ผ ๐ป๐ฎ ๐ ๐ฎ๐ด๐ป๐ฎ ๐๐ฎ๐ฟ๐๐ฎ ๐ณ๐ผ๐ฟ ๐ฆ๐ฒ๐ฎ๐ณ๐ฎ๐ฟ๐ฒ๐ฟ๐ ๐ป๐ฎ ๐ป๐ฎ๐ด๐น๐ฎ๐น๐ฎ๐๐ผ๐ป๐ด ๐บa๐ฏ๐ถ๐ด๐๐ฎ๐ป ๐ป๐ด ๐ธ๐ฎ๐๐ธ๐๐น๐ฎ๐ป๐ด ๐ฝ๐ฟ๐ผ๐๐ฒ๐ธ๐๐ถ๐๐ผ๐ป ๐ฎ๐ป๐ด ๐บ๐ด๐ฎ ๐ฃ๐ถ๐ป๐ผ๐ ๐๐ฟ๐ถ๐ฝ๐๐น๐ฎ๐ป๐๐ฒ.
Ayon kay Magsino, naghihintay na lamang sila ng lagda ng Pangulong Marcos, Jr. upang tuluyang maisakatuparan ang isinulong nitong adhikain na mangangalaga sa interes at kapakanan ng mga Pilipinong Seafarers.
Ang naging pahayag ni Magsino ay kaugnay sa dinaluhan nitong ikatlong anibersaryo ng Nueva Viscaya Overseas Filipino Workers (OFW) Association Inc. na ginanap sa Bayombong, Nueva Viscaya kung saan ang tema ng nasabing pagdiriwang ay ang pagbibigay importansiya sa kahalagahan ng mga OFWs kasama na ang kanilang mga pamilya.
Binigyang diin ng kongresista na patuloy ang kaniyang pagsisikap na magsulong o maghain ng mga makabuluhang panukalang batas na hindi lamang magbibigay proteksiyon para sa mga OFWs kundi pati narin sa mga Pinoy Seafarers.
“Ang pirma na lamang ng ating Pangulong Marcos, Jr. ang ating hinihintay bago tuluyang maisakatuparan ang adhikain nating ito. Matagal po natin hinintay ang pagkakataong ito, hindi na po magtatagal at maisasabatas din ang Magna Carta for Seafarers,” sabi ni Magsino.
Ipinabatid din ni Magsino na ang Pilipinas ang nangungunang bansa sa buong mundo na supplier o pinagkukuhanan ng mga Pilipinong tripulante kung saan 600,000 Pilipino ang nagta-trabaho sa Maritime Industry.
“The Philippines is the world’s leading supplier of seafarers with over 600,000 Filipinos working in the Maritime Industry,” dagdag pa ni Magsino.