Calendar
Pagsasanay, pagtatalaga ng mga psychiatrist sa mga Embahada sa abroad ipinanukala ni Magsino
𝗜𝗠𝗜𝗡𝗨𝗠𝗨𝗡𝗚𝗞𝗔𝗛𝗜 𝗻𝗶 𝗢𝗙𝗪 𝗣𝗮𝗿𝘁𝘆 𝗟𝗶𝘀𝘁 𝗖𝗼𝗻𝗴. 𝗠𝗮𝗿𝗶𝘀𝘀𝗮 “𝗗𝗲𝗹 𝗠𝗮𝗿” 𝗣. 𝗠𝗮𝗴𝘀𝗶𝗻𝗼 𝗮𝗻𝗴 𝗽𝗮𝗴𝗸𝗮𝗸𝗮𝗿𝗼𝗼𝗻 𝗻𝗴 𝘀𝗮𝗽𝗮𝘁 𝗻𝗮 𝗽𝗮𝗴𝘀𝗮𝘀𝗮𝗻𝗮𝘆 𝗻𝗴 𝗺𝗴𝗮 𝗸𝘂𝘄𝗮𝗹𝗶𝗽𝗶𝗸𝗮𝗱𝗼𝗻𝗴 𝗽𝘀𝘆𝗰𝗵𝗶𝗮𝘁𝗿𝗶𝘀𝘁𝘀 𝗮𝘁 𝗽𝘀𝘆𝗰𝗵𝗼-𝘀𝗼𝗰𝗶𝗮𝗹 𝗽𝗿𝗼𝗳𝗲𝘀𝘀𝗶𝗼𝗻𝗮𝗹𝘀 𝗸𝗮𝘀𝗮𝗺𝗮 𝗻𝗮 𝗮𝗻𝗴 𝗽𝗮𝗴𝘁𝗮𝘁𝗮𝗹𝗮𝗴𝗮 𝘀𝗮 𝗸𝗮𝗻𝗶𝗹𝗮 𝘀𝗮 𝗶𝗯𝗮’𝘁-𝗶𝗯𝗮𝗻𝗴 𝗣𝗵𝗶𝗹𝗶𝗽𝗽𝗶𝗻𝗲 𝗘𝗺𝗯𝗮𝘀𝘀𝘆 𝗮𝘁 𝗳𝗼𝗿𝗲𝗶𝗴𝗻 𝘀𝗲𝗿𝘃𝗶𝗰𝗲 𝗽𝗼𝘀𝘁 𝘀𝗮 𝗶𝗯𝗮𝘆𝗼𝗻𝗴 𝗱𝗮𝗴𝗮𝘁 𝗽𝗮𝗿𝗮 𝗺𝗮𝘁𝘂𝗴𝘂𝗻𝗮𝗻 𝗮𝗻𝗴 𝗽𝗮𝗻𝗴𝗮𝗻𝗴𝗮𝗶𝗹𝗮𝗻𝗴𝗮𝗻 𝗻𝗴 𝗺𝗴𝗮 𝗢𝘃𝗲𝗿𝘀𝗲𝗮𝘀 𝗙𝗶𝗹𝗶𝗽𝗶𝗻𝗼 𝗪𝗼𝗿𝗸𝗲𝗿𝘀 (𝗢𝗙𝗪𝘀) 𝗻𝗮 𝗱𝘂𝗺𝗮𝗿𝗮𝗻𝗮𝘀 𝗻𝗴 𝗺𝗲𝗻𝘁𝗮𝗹 𝗵𝗲𝗮𝗹𝘁𝗵 𝗽𝗿𝗼𝗯𝗹𝗲𝗺.
Ayon kay Magsino, ang inilatag niyang panukala ang nakikita niyang solusyon upang epektibong matugunan ang nakakabahalang kaso ng mga OFWs na dumaranas ng sakit sa pag-iisip dulot ng stress, sobrang pangungulila sa pamilya, kaapihan at depression.
Ipinaliwanag ni Magsino na ang isa mga problema kung bakit hindi kaagad natutugunan ng iba’t-ibang Embahada ng Pilipinas sa abroad ang mental health problem ng mga OFWs ay ang kawalan ng eksperto na susuri sa kanilang kalagayan tulad ng isang psychiatrists o isang psycho-social professional.
“Iminumungkahi ko ang pagsasanay ng mga kuwalipikadong psychiatrists at psycho-social professionals sa ating mga foreign service posts para matugunan ang pangangailangan ng ating mga OFWs at Embassy employees at workers sa kanilang mental health needs,” wika ni Magsino.
Nauna rito, itinulak ng OFW Party List Lady solon ang pagkakaroon ng malakas at malawakang programa ang iba’t-ibang Philippine Embassy sa ibayong dagat para sa usapin ng mental health problem ng mga OFWs.
Ito ang inilatag ni Magsino sa budget hearing ng House Committee on Appropriations para sa 2025 proposed national budget ng Department of Foreign Affairs (DFA). Iginigiit ni Magsino ang pagbabalangkas ng DFA ng isang programa para sa mga Philippine Embassy sa abroad kabilang na ang mga Philippine Consulate Offices para magkaroon sila ng sapat na kaalaman sa usapin ng mental health.
Paliwanag ni Magsino, layunin nito na matulungan ang mga OFWs o migrant workers na dumaranas ng matinding stress, depression o pangungulila sa kanilang pamilya at iba pang mga rason.
Inilahad din ni Magsino ang ginawa nitong pagbisita kamakailan sa Kingdom of Saudi Arabia, United Arab Emirates (UAE), Taiwan, Singapore at South Korea nuong nakaraang buwan ng Hunyo at Hulyo. Nakita umano nito ang kahalagahan na maging “mental health responsive” ang tinatawag na foreign posts sa iba’t-ibang panig ng mundo para maging handa sa pagtugon sa kalagayan ng mga OFWs