Langis

Pagsipsip sa milyong litro ng langis sa Limay sisimulan na

Christian Supnad Jul 30, 2024
81 Views

Langis na nag-pollute sa Limay sisipsipin na

SISIMULAN nang sipsipin mula Lunes o Martes ang milyong litro ng langis galing sa lumubog na barko sa karagatan ng Limay, Bataan, ayon kay Coast Guard Station Bataan Commander Lieutenant Commander Michael John Encina.

Darating sa Lunes ng hapon o Martes sa pinag lubugan ng MT Terra Nova sa Limay, Bataan ang Stella Marie, sister ship ng barkong nabalahaw na may kargang ay 1.4 million liters ng industrial oil nang lumubog noong madaling araw ng Huwebes.

Sisipsip lang ang 300,000 liters ng langis at pagkatapos pwede na ipalutang at hilahin sa tabi ang barko.

Samantala, ipinag-utos ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na ipagawa sa mga beneficiaries ng Tulong Pangkabuhayan sa Ating mga Disadvantaged/displaced workers (TUPAD) ang mga organic booms para mapigilang kumalat hanggang sa Bulacan ang oil spill sa Manila Bay.

Ipinaliwanag ng Pangulo na magandang ipatrabaho sa mga TUPAD members dahil malaki ang magugugol ng pamahalaan kung bibili ng mga commercial booms.

Ayon kay Labor Secretary Bienvenido Laguesma, aabot sa P176 milyon ang inilaan na pondo para sa TUPAD sa Gitnang Luzon.

Makikinabang dito ang nasa humigit kumulang 40,000 hanggang 50,000 indibidwal sa mga kanayunan.

Base sa mga satellite images ng Philippine Space Agency, lumalapit na sa dalampasigan ng Bulacan ang oil spill.

Kaugnay nito, ipinag-utos din ng Pangulo na magkaroon na agad ng early-harvest sa mga palaisdaan na nasa dalampasigan ng Pampanga at Bulacan bilang preventive measure.