Valeriano

Pagsisiwalat ni dating Senador Leila de Lima laban kay Duterte, nakakabahala — Valeriano

Mar Rodriguez Dec 7, 2023
135 Views

BINIGYANG DIIN ni Manila 2nd Dist. Cong. Rolando “CRV” M. Valeriano na nakakabahala umano ang isiniwalat ni dating Senador Leila de Lima patungkol sa naging alegasyon ng dating hired killer na si Arturo Lascanas laban kay dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte na may kinalaman sa illegal na droga.

Iginiit ni Valeriano, Chairperson ng House Committee on Metro Manila Development, na ang problema ng illegal na droga ay hindi lamang nararamdaman sa Kalakhang Maynila. Bagkos ay sa buong bansa, kaya ang isiniwalat umano ni De Lima ay lubhang nakaka-alarma o nakakabahala.

Sinabi ni Valeriano na ang ilan sa mga naging pahayag o isiniwalat ni De Lima sa isang interview ay mistulang mayroong katotohanan batay naman sa ipinahayag ni Lascanas na inilalarawan ang dating Pangulo (Rodrigo Duterte) bilang “lord of all drug lords” sa Southern Philippines.

Dahil dito, ipinaliwanag pa ni Valeriano na maraming Pilipino ang maaaring mabahala sa naging pahayag nina De Lima at Lascanas sapagkat sa loob ng anim na taong termino ni Duterte. Marahil ay magtataka ang publiko kung bakit wala man lamang napatay o kaya ay nakulong na drug lords.

Ayon sa kongresista, sa isang banda ay posibleng mapa-isip din ang publiko patungkol sa naging pagsisiwalat ng dating Senador. Dahil sa loob ng mahabang panahon ay wala naman talagang malaking drug lord ang nakulong o kaya ay napatay. Sa halip ay pawang mga small-time drug users lamang ang nadakip ng mga pulis sa kanilang all-out-war campaign.

“It is baffling for many Filipinos, why the long and hard battle then. Had not killed or jailed drug lords and was only traumatic to the impoverished drug users and small-time street dealers. Drug deals are a countrywide problem, pending at that to be solved,” ayon kay Valeriano.

Para magkaroon ng linaw ang issue, iminumungkahi ni Valeriano na magkaroon ng isang malalim na pagsisiyasat. Kasabay ng kaniyang pahayag na kinakailangang seryosohin ng mabuti ang kampanya ng pamahalaan laban sa illegal na droga at parusahan ang mga nasa likod ng talamak na bentahan nito.

“If we are serious to finish our drug problems. Let us nor leave a stone unturned, we may not sweep it but we start with that end in mind. Opening serious allegation is the fairest we can do for our Filipino people in this democratic republic,” sabi pa ng mambabatas.