BBM1 Iprinisinta ni Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez kay President Ferdinand R. Marcos, Jr. ang kopya ng House Resolution No. 277 sa Pamaskong fellowship sa Malacanang Miyerkules ng gabi. Kuha ni VER NOVENO

Pagsuporta ng Kamara kay PBBM simbolo ng pagkakaisa ng PH vs anumang mga banta

Mar Rodriguez Dec 5, 2024
119 Views

PINAGTIBAY ng Kamara de Representantes, sa ilalim ng pamumuno ni Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez, ang buong suporta nito kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” R. Marcos, Jr. na isa umanong simbolo ng soberanya ng bansa at nangako na gagamitin ang kanilang kapangyarihan upang labanan ang anumang pagtatangkang guluhin ang gobyerno at sirain ang liderato ng Punong Ehekutibo.

Ang deklarasyon ng pakikiisa ay idineklara sa isang Manifesto of Support kay Pangulong Marcos na inihain ng mga mambabatas sa pangunguna ni Speaker Romualdez noong Miyerkoles ng gabi sa Christmas fellowship sa Malacañang.

Ito ay naganap sa gitna ng mga banta sa buhay ng Punong Ehekutibo mula kay Vice President Sara Duterte at ng panawagan ng kanyang kampo para sa pagkilos laban sa administrasyon.

“Guided by the Philippine Constitution as the supreme law of the land, we, the Members of the House of Representatives of the Republic of the Philippines, reaffirm our unwavering commitment to defend the democratic institutions and sovereignty of our nation,” ayon sa manifesto.

Binigyang-diin nito ang pagkakaisa ng mga mambabatas sa pagtatanggol ng mga prinsipyo ng demokrasya at katatagan ng bansa. Ipinahayag ng mga miyembro ng Mababang Kapulungan ang kanilang katapatan kay Pangulong Marcos, na inihalal ng 31 milyong Pilipino – ang pinakamataas na mandato na natamo ng sinumang pangulo sa kasaysayan ng bansa.

“The Philippine Constitution entrusts us with the solemn duty to protect the nation from threats – both internal and external – that seek to undermine our independence, security and democracy. Recognizing the significant challenges facing the President and his administration, we unite in declaring our firm support for the President and his vision for a Bagong Pilipinas,” saad pa sa manifesto.

Ang manifesto of support ng Mababang Kapulungan ay nilagdaan ni Speaker Romualdez, Senior Deputy Speaker Aurelio “Dong” Gonzales Jr., Majority Leader Manuel Jose “Mannix” M. Dalipe, Agusan del Norte Rep. Jose “Joboy” S. Aquino II, Sekretaryo Heneral ng Lakas-Christian Muslim Democrats (CMD); Camarines Sur Rep. LRay Villafuerte, Pangulo ng National Unity Party (NUP); Rizal Rep. Michael John R. Duavit, Pangulo ng Nationalist People’s Coalition (NPC); Surigao del Norte Rep. Robert Ace Barbers, Isang Kasapi ng Nacionalista Party (NP); San Jose del Monte Rep. Florida “Risa” Robes, Kasapi ng Partido Federal ng Pilipinas (PFP); at Navotas Rep. Tobias “Toby” M. Tiangco, Pangulo ng Partido Navoteño.

Ipinagkaloob din ng mga pinuno ng Mababang Kapulungan kay Pangulong Marcos ang kopya ng Resolution No. 277, na pinagtibay bilang House Resolution (HR) No. 2092, na may titulong, “Expressing the unwavering and unqualified support and solidarity of the House of Representatives to the leadership of His Excellency, President Ferdinand R. Marcos Jr., and the Honorable Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez in the face of serious and dangerous remarks and defiant acts that threaten the very foundation of democratic governance, rule of law, and public trust and integrity of government institutions.”

Sinasaad sa manifesto, na nagtatakda ng limang pangunahing prinsipyo at mga pangako bilang suporta kay Pangulong Marcos at sa kanyang administrasyon.

Una, binigyang-diin nito ang pagtatanggol sa Pangulo bilang simbolo ng soberanya ng bansa, na nagsasabing, “The Constitution vests executive power in the President, making him the embodiment of the people’s will and the nation’s unity. Any threat against the President is a threat against the Republic. We shall remain vigilant and resolute in ensuring his safety and the stability of his administration.”

Pangalawa, binigyang-diin nito ang kahalagahan ng pagpapatibay ng pangingibabaw ng batas at demokratikong pamamahala, na nagsasabing, “The Constitution enshrines the principles of democracy, justice and the rule of law. We categorically condemn any attempts to destabilize the government or subvert the administration’s programs aimed at advancing national progress.”

Pangatlo, muling itinaguyod ng manifesto ang pangako na protektahan ang bansa mula sa mga panloob at panlabas na banta, “As mandated by the Constitution, we commit to mobilizing all legislative resources to safeguard the Republic against threats to its independence, security and peace. We will support initiatives that strengthen national defense, public order and social stability.”

Pang-apat, binigyang-diin nito ang kahalagahan ng pagkakaisa ng lehislatura para sa kapakanan ng bansa, “We recognize that unity among branches of government is critical to achieving national goals. Guided by constitutional principles, we will work in partnership with the President to pass laws that address the most pressing concerns of our people.”

At panghuli, tinitiyak ang Mababang Kapulungan na maipatutupad ang mandato ng Pangulo, “In accordance with the Constitution, we pledge to protect the integrity of the President’s mandate, enabling him to lead the country effectively toward sustainable development, good governance, and genuine reform.”

Ang mga prinsipyong ito ay nagpapalakas ng buong suporta ng Kamara sa pamumuno ng Pangulo at ang pangako nitong protektahan ang mga demokratikong institusyon at soberanya ng bansa.

Sa manifesto, kinondena ng Mababang Kapulungan ang mga pagtatangkang pabagsaki n ang gobyerno at binigyang-diin ang tungkulin sa pagsuporta sa administrasyon ni Pangulong Marcos.

“At all costs, we will stand united with President Ferdinand R. Marcos, Jr. to uphold and defend the Constitution, ensure the welfare of our people and safeguard the future of our nation.”

“We, the Members of the House of Representatives, solemnly affirm that our collective strength lies in the unity of purpose, fidelity to our democratic principles, and unwavering commitment to serve the Filipino people.”

“Together, let us rally behind our President to protect and preserve the gains of democracy as we build a stronger, more united and more prosperous Republic.”