DHSUD

Pagsusumikap upang maabot 6M housing units paiigtingin

193 Views

Paiigtingin ng Marcos administration ang pagsusumikap nito upang maabot ang target na 6 milyong pabahay sa loob ng anim na taon.

Ayon sa Department of Human Settlements and Development (DHSUD) hanggang noong Disyembre 22 ay pumirma na ito ng 47 Memorandums of Understanding (MOUs) kasama ang iba’t ibang provincial, city, at municipal local government unit.

Kasama sa plano ang pagsasaayos ng mga informal resettlement kung saan itatayo ang mga prime residential sites.

Ayon sa MOU, ang mga lokal na pamahalaan ang tutukoy sa mga lugar na maaaring tayuan ng mga residential sites at bibili sa lupang kakailanganin.

Sa kasalukuyan ay nakapagsagawa na ng 15 groundbreaking ceremony ang DHSUD. Ito ay sa Quezon City; Marikina City; Mariveles, Bataan; Palayan City, Nueva Ecija; Carmona, Cavite; Tanauan City, Batangas; Mandaue City, Cebu; Bacolod City, Negros Occidental; Roxas City, Capiz; Iloilo City; Sta. Barbara, Iloilo; Victorias City, Iloilo; Carles, Iloilo; Tagbilaran City, Bohol; at Iligan City, Lanao del Norte.

Makakatuwang ng DHSUD sa proyekto ang Government Service Insurance System (GSIS), Social Security System (SSS), Land Bank of the Philippines (LBP), at Development Bank of the Philippines (DBP).