PBBM

PBBM nanawagan ng pagkakaisa

102 Views

Muling nanawagan si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ng pagkakaisa sa mga Pilipino upang malagpasan ang mga pagsubok at mas malayo ang marating ng bansa.

Sa pagsalubong sa 2023, sinabi ni Marcos na maaaring gamitin ang totoong pagmamahal sa bansa at sa mga kapwa Pilipino upang magsama-sama at magtulungan para sa pagbangon ng bansa.

“It is in this understanding that we need, now more than ever, to embody the true meaning of solidarity. The innate Bayanihan spirit in all of us is what will keep us going against all adversities that will continue to test our fortitude as a nation,” ani Marcos sa kanyang mensahe para sa bagong taon.

“Together, let us move full-steam ahead towards our goal of giving a better life to every Filipino family. I am confident that, by coming together, we can withstand and overcome all challenges and bring our nation to greater heights,” dagdag pa ng Pangulo.