Sunog

Pagsusunog ng tanso nauwi sa sunog sa NIA Road

Jun I Legaspi Apr 30, 2026
22 Views

Sunog1Sunog2

Sunog3
Source: Philippine Emergency Alerts

IKINALULUNGKOT ng pamahalaang lungsod na muling nagkasunog sa bahagi ng NIA Road mahigit isang buwan mula nang unang tupukin ng apoy ang daan-daang bahay doon.

Base sa paunang imbestigasyon ng Bureau of Fire Protection-QC, ang sunog ay sanhi ng pagsusunog ng tanso sa isang abandonadong bahay.

Hinihiling ng lokal na pamahalaan sa lahat na huwag magpakalat ng maling impormasyon dahil walang batayan na sinadya ang sunog.

Kaugnay nito, nananatiling nakatuon ang lungsod sa agarang pagtulong sa mga apektadong pamilya at sa pagtiyak na ang lahat ng hakbang ay naaayon sa batas at may malasakit sa kapakanan ng mamamayan.

Bago pa sumiklab ang sunog, nakipagpulong na ang lungsod sa mga pamilya at ipinaalam sa kanila ang mga tulong na kanilang matatanggap, kabilang na ang pinansyal na tulong at pagiging benepisyaryo ng pabahay sa NIA o sa iba pang lugar na maaari nilang pagpilian.

Noong Abril 28, nagsagawa na ng site visit o “tripping” ang mga pamilya sa Harmony Hills Resettlement Site sa Barangay Batasan Hills at sa QCitizen Homes – Urban Deca Homes.

Tuloy-tuloy ang pakikipag-ugnayan ng HCDRD sa mga pamilya sa NIA at anumang plano o hakbang na gagawin sa lugar ay sinisigurong dumaan sa konsultasyon.