Madrona

Pagtalaga ng ‘apolitical’ na Kalihim ng DSWD iminungkahi

Mar Rodriguez Jan 29, 2023
187 Views

IMINUMUNGKAHI ngayon ng isang kongresista kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” R. Marcos, Jr. na ang dapat nitong italaga bilang susunod na kalihim ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ay “apolitical” o walang ambisyong tumakbo sa politika.

Sinabi ni Romblon Lone Dist. Cong. Eleandro Jesus “Budoy” F. Madrona, Chairman ng House Committee on Tourism, na ang dapat ilagay ng Pangulo bilang mauupong kalihim ng DSWD ay isang taong hindi interesadong lumahok sa “political arena”.

Ipinaliwanag ni Madrona layunin ng kaniyang mungkahi na hindi magamit ang DSWD para sa sariling kapakanan ng mauupong Kalihim o hindi magamit ang ahensiya para sa “personal agenda” ng sinomang mamumuno dito para sa kaniyang “political ambition”.

Bukod dito, sinabi pa ni Madrona na mahalaga din na ang itatalaga ng Pangulong Marcos, Jr. sa DSWD ay mayroong “compassion” o habag para sa mga mahihirap kabilang na ang mga tinatawag na “marginalized sector” na kapos sa kalinga ng pamahalaan.

Binigyang diin ni Madrona na napakahalaga na ang mauupong pinuno ng DSWD ay mayroong malinis na hangarin para sa mga kapos-palad at hindi nito kakasangkapanin ang pagtulong sa mga mahihirap para isulong lamang ang kaniyang ambisyon sa politika.

“Hinihikayat natin ang Pangulo na ang kailangang niyang iatalaga bilang Secretary ng DSWD ay iyong hindi interesadong lumahok sa politika at mayroong damdamin o habag para sa mga kapos-palad nnating mga kababayan. Kasi baka mamaya ang mauupo sa DSWD ay mayroon palang political ambition, kawawa naman ang mga mahihirap nating mga kababayan na gagamitin lang niya sa kaniyang ambisyon,” ayon kay Madrona.

Ganito rin ang naging pahayag ni House Minority Leader at 4Ps Party List Cong. Marcelino “Nonoy” Libanan na dapat maging maingat ang Pangulo sa pagpili ng susunod na mauupong Kalihim ng DSWD. Sapagkat mahalaga na hindi ambisyo o may political ambition ang mapilipi nito.

“The country does not need a DSWD head who is keen on running for public office in the 2025 or 2028 elections,” ayon kay Libanan.