Recto

Pagtalaga ni Marcos kay Recto bilang kalihim ng DOF pinuri

128 Views

PINURI NG MGA SENADOR si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa ginawang pagtatalaga nito kay Batangas Cong. Ralph Recto matapos opisyal na kumpirmahin ng Malakanyang na siya ang bagong kalihim ng Department of Finance.

Si Recto na dating senador at kasalukuyang Deputy Speaker ng Mababang Kapulungan ay papalitan naman si Benjamin Diokno na napag-alaman naman na ililipat sa Bangko Sentral ng Pilipinas.

Ayon kay Senate President Juan Miguel Zubiri, isang malaking ambag ang pagkakatalaga ni Recto bukod pa sa paggawa nito ng maraming batas sa Senado at Kongreso ay ang angking galeng nito pagdating sa finance issue.

“In the Senate, we always regarded him as the resident numbers genius. This was not just for his mathematical ability, but more importantly for his ability to immediately see the big picture implications of these numbers,” sabi ni Zubiri.

Sinabi pa ng Pangulo ng Senado na sigurado aniya siyang malaki ang magiging kontribusyon ni Recto sa pagtulong sa administrasyon ni Pangulong Marcos Jr., sa pagpapaunlad ng ekononiya.

“More than most, he understands how to bridge the gap between the abstractions of mathematics and the very concrete realities that we face as a nation. So I have no doubt that he will be a good Finance Secretary, who will continue to push the country along on the road to greater economic prosperity,” paliwanag ni Zubiri.

Bukod sa pagiging mambabatas, si Recto ay naging Socioeconomic Planning Secretary at Director-General ng National Economic Development Authority.

Sinabi naman ni Sen. Francis Chiz Escudero si Recto ay may sapat na kakayahan at kaalaman sa paglikha ng estratehiya para maitulak ang mga layunin ng kasalukuyang administrasyon sa pag unlad ng bansa.

Sinabi naman ni Sen. Juan Edgardo Angara na siya ring chairman ng Senate Committee on Finance, si Recto aniya ay subok ang angkin na talino at hindi matatawaran ang kakayahan kaya’t kahit aniya sa Mababang kapulungan kung saan ay siya rin ang kasalukuyan Deputy Speaker.

Ayon naman kay Senador Sherwin Gatchalian, chairman ng Senate Committee on Ways and Means, ang pagkakatalaga ni Recto ay isang malinaw na mensahe ng pamahalaan na seryoso ang Pangulo na kunin ang mga magagaling at eksperto upang mapaunlad ang ating bansa.

Si Recto gayundin ang isa pang itinalaga bilang kalihim ng Finance and Special Asst. to the President for Investment and Economic Affairs na si Frederick Go ay nakatakdang manumpa sa kay Pangulong Marcos ngayon sa Malakanyang.

Matatandaan na si Recto din ang dating chairman ng Senate Committee on Ways and Means sa Senado at siya rin ang may-akda ng 1997 Comprehensive Tax Reform Program.

Si Recto na nagsimula ang pagpasok bilang mambabatas nuong 1992 ay apo ng isa sa mga pamosong stateman ng bansa na si Claro M. Recto.

Malugod na pagbati ng congratulations ang binigay ni Senadora Nancy Binay sa kanyang kababayan na si Batangas Rep. Recto.

“My congratulations to my kababayan, Batangas Rep. Ralph Recto, on his well-deserved appointment as the new Secretary of the Department of Finance,” sabi ni Binay.

Dinagdag ni Binay na si Cong. Recto isang bihasa sa finance at economics at sya ay magiging malaking kontribusyon para sa mga pagbabago at economic reforms para umangat ang Pilipinas.

Para kay Senador Lito Lapid, tinawag nya si Recto as “the perfect choice.” At kumpyansa sya na buong husay ni Recto gagampanan ang mga economic program ni Pangulong Bongbong Marcos Jr.