Tiangco Navotas Congressman Toby Tiangco

Pagtatag ni PBBM ng bakong korte sa Navotas pinasalamatan ni Rep. Tiangco, Mayor Tiangco

Edd Reyes Nov 5, 2024
11 Views
Tiangco1
Mayor John Rey Tiangco

NAGPASALAMAT kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sina Navotas Congressman Toby Tiangco at Mayor John Rey Tiangco sa paglagda sa RA 12052 na nagtatag ng tatlong bagong sangay ng Regional Trial Court (RTC) at dalawang bagong Metropolitan Trial Court (MTC) sa Navotas.

Ayon kay Rep. Tiangco, mahalaga ang karagdagang sangay ng hukuman para makatulong sa napakaraming dinidinig na kaso.

“This will help ensure more timely justice and greater efficiency in resolving cases for our community,” sabi ng kongresista.

Ang orihinal na panukalang batas na House Bill 3012 unang inihain ni dating congressman at ngayon ay Mayor John Rey Tiangco.

Muli itong inihain sa panahon ni Rep. Toby upang matugunan ang pangangailangan sa lumalaking bilang ng komunidad at makatulong upang hindi maantala ang pagpapatibay sa mga kaso sa lokal na hukuman.

Sa panig ni Mayor John Rey, sinabi niya na makasaysayan at makahulugan sa kanya ang naturang batas lalo na’t siya ang nagsimulang maghain nito ng siya pa ang kinatawan sa Kongreso ng kanilang lungsod.

“We also extend our gratitude to Cong. Toby Tiangco and other partners who pushed for and supported this initiative.

Together, we are building a brighter, more just future for Navotas City,” pahayag ng alkalde.