Pagtatatag ng National Cancer Center of the Philippines ipinanukala ng 1-PACMAN Party List Group

Mar Rodriguez Feb 27, 2023
207 Views

PINAPURIHAN ngayon ng Overseas Filipino Workers (OFW) Party List Group sa Kamara de Representantes ang Commission on Higher Education (CHED) kaugnay sa pagpapalabas nito ng “guidelines” para sa “lifting” ng Moratorium sa bagong BS Nursing Program tulad ng kanilang ipinangako.

Sinabi ni OFW Party List Congresswoman Marissa “Del Mar” P. Magsino na tulad ng napag-usapan at napagkasunduan sa isinagawang policy dialogue noong nakaraang November 2022. Inihayag ng CHED na sisikapin jilang ma-finetune o maisa-ayos ang guidelines na ilalabas ng nasabing ahensiya.

Ipinaliwanag ni Magsino na ang naging hakbang ng CHED ay alinsunod naman sa mga comments na inilabas ng nursing industry, stakeholders, mga deans ng iba’t-ibang unibersidad at mga opisyal ng Philippine Chamber of Commerce of the Philippines and Industry at mga opisyal ng OFW Party List Group.

Ayon kay Magsino, noong Disyembre 27, 2022 ay inilatag aniya ng CHED ang mga criteria and mechanism para sa mga higher education institutions na naghahangad na mag-apply ng bagong BS Nursing program sa pamamagitan ng CHED Memorandum Order (CMO) No. 19.

Binigyang diin pa ng OFW Lady solon na ang lifting ng Moratorium ng CHED ang katugunan sa problemang kinakaharap ng bansa. Bunsod ng kakulangan ng tinatayang 99,000 nurses partikular na sa mga nurses na ipinapadala sa ibayong dagat na pangarap ng bawat nursing students.

“Our stakeholders from the nursing profession have long been clamoring for the full lifting pf the moratorium. Thus we welcome the issuance of the guidelines as committed by CHED officials during our policy dialogue last November. This will help address the shortfall of around 99,000 nurses in the country,” ayon kay Magsino.