Calendar
Pagtatayo ng mga bagong hotels sa iba’t-ibang lugar sa Pilipinas, mas lalong magpapa-angat sa PH turismo
𝗦𝗜𝗡𝗔𝗡𝗚-𝗔𝗬𝗨𝗡𝗔𝗡 𝗻𝗴 c𝗵𝗮𝗶𝗿𝗺𝗮𝗻 𝗻𝗴 𝗛𝗼𝘂𝘀𝗲 𝗖𝗼𝗺𝗺𝗶𝘁𝘁𝗲𝗲 𝗼𝗻 𝗧𝗼𝘂𝗿𝗶𝘀𝗺 𝗻𝗮 𝘀𝗶 𝗥𝗼𝗺𝗯𝗹𝗼𝗻 𝗟𝗼𝗻𝗲 𝗗𝗶𝘀𝘁. 𝗖𝗼𝗻𝗴. 𝗘𝗹𝗲𝗮𝗻𝗱𝗿𝗼 𝗝𝗲𝘀𝘂𝘀 “𝗕𝘂𝗱𝗼𝘆” 𝗙. 𝗠𝗮𝗱𝗿𝗼𝗻𝗮 𝗮𝗻𝗴 𝗽𝗮𝗵𝗮𝘆𝗮𝗴 𝗻𝗴 𝗣𝗵𝗶𝗹𝗶𝗽𝗽𝗶𝗻𝗲 𝗛𝗼𝘁𝗲𝗹 𝗢𝘄𝗻𝗲𝗿𝘀 𝗔𝘀𝘀𝗼𝗰𝗶𝗮𝘁𝗶𝗼𝗻 (𝗣𝗛𝗢𝗔) 𝗻𝗮 𝗮𝗻𝗴 𝗽𝗮𝗴𝘁𝗮𝘁𝗮𝘆𝗼 𝗻𝗴 𝗺𝗴𝗮 𝗯𝗮𝗴𝗼𝗻𝗴 𝗵𝗼𝘁𝗲𝗹𝘀 𝘀𝗮 𝗶𝗯𝗮’𝘁-𝗶𝗯𝗮𝗻𝗴 𝗹𝘂𝗴𝗮𝗿 𝘀𝗮 𝗣𝗶𝗹𝗶𝗽𝗶𝗻𝗮𝘀 𝗮𝘆 𝗺𝗮𝗹𝗮𝗸𝗶 𝗮𝗻𝗴 𝗺𝗮𝗶𝘁𝘂𝘁𝘂𝗹𝗼𝗻𝗴 𝗽𝗮𝗿𝗮 𝗺𝗮𝘀 𝗹𝗮𝗹𝗼 𝗽𝗮𝗻𝗴 𝘂𝗺𝗮𝗻𝗴𝗮𝘁 𝗮𝘁 𝘂𝗺𝗮𝗹𝗮𝗴𝘄𝗮 𝗮𝗻𝗴 𝘁𝘂𝗿𝗶𝘀𝗺𝗼 𝗻𝗴 𝗯𝗮𝗻𝘀𝗮.
Ayon kay Madrona, maraming gimmick at pamamaraan ang kasalukuyang ginagawa ni Tourism Sec. Maria Christina Garcia Frasco para muling pasiglahin ang Philippine tourism.
Subalit naniniwala si Madrona na ang idea na pinalutang ng grupong PHOA sa pangunguna ng Pangulo nito na si Arthur Lopez ay maituturing na karagdagang pamamaraan para mas lalo pang mapagbuti at mapalakas ang turismo ng bansa sa gitna ng pagdagsa ng napakaraming dayuhang turista.
Pagdidiin ni Madrona, napakalaki talaga ang naitutulong ng PHOA para sa pag-angat ng turismo ng bansa sapagkat ang kanilang grupo mismo ay binubuo ng 217 hotels sa iba’t-ibang panig ng Pilipinas.
Sabi ng kongresista, ipinahayag mismo ni Lopez na batay sa kanilang isinagawang imbentaryo. Ang kanilang grupo ay may tinatayang 40,000 rooms sa kabuuan ng knailang 217 hotels at mas lalo pa itong dumadami.
Dahil dito, kumpiyansa si Madrona na sa pamamagitan nito. Mas maraming dayuhang turista mula sa iba’t-ibang panig ng mundo ang ma-eengganyong bumisita o magbakasyon sa Pilipinas.