Pagtatayo ng mga timbangan ng bayan center batas na

207 Views

NILAGDAAN ni Pangulong Rodrigo Duterte ang batas na magtatayo ng timbangan ng bayan centers sa mga pampubliko at pribadong palengke, supermarket, talipapa, at grocery.

Layunin ng Republic Act No. (RA) 11706 na tiyakin na hindi kulang ang timbang ng binibili ng publiko sa mga nagtitinda.

Ang market o mall supervisors ang siyang mangangasiwa sa mga timbangan at iba pang measuring instrumento na gagamitin upang masiguro na hindi nandaraya ang mga nagtitinda.