Magsino

Pagtatayo ng OFW Hospital sa Visayas at Mindanao suportado ni Magsino

Mar Rodriguez Jul 13, 2023
170 Views

MAIGTING na sinusuportahan ni OFW Party List Congresswoman Marissa “Del Mar” P. Magsino ang panawagan na magtayo din ng Overseas Filipino Workers Hospital sa Visayas at Mindanao upang magkaroon ng “access” sa libreng medical services ang mga OFWs mula sa nasabing rehiyon.

Sinabi ni Congresswoman Magsino na limitado lamang ang naibibigay na medical services ng kasalukuyang OFW Hospital sa Pampanga. Sapagkat ang nase-serbisyuhan lang nito ay ang mga OFWs kabilang na ang kanilang pamilya mula sa karatig lalawigan tulad ng Tarlac, Pangasinan at Nueva Ecija.

Dahil dito, binigyang diin ni Magsino na papaano na lamang magkakaroon ng access para sa libreng medical services ang mga OFWs na naninirahan sa malalayong lugar katulad ng Visayas at Mindanao. Kaya’t napaka-halaga umano na magkaroon din ng OFW sa nasabing rehiyon bukod sa Pampanga.

Kasabay nito, ipinahayag pa ni Magsino na napaka-halaga din na maisagawa ang tinatawag na “information dissemination” para magkaroon ng sapat na kaalaman at awareness ang ilang OFWs na mayroong ospital para sa kanila at pamilya nil ana nag-aalok ng libreng gamutan o medical services.

“I strongly support the calls to establish OFW Hospitals in the Visayas and Mindanao regions. Currently, the OFW Hospital is located in Pampanga, thus limiting its access to OFWs and qualified dependents in nearby areas. Information dissemination on the services offered by the OFW Hospital is equally vital,” sabi ni Magsino.

Sinabi din ng OFW Party List Lady solon na nakikipag-ugnayan na ang kanilang grupo sa Department of Migrant Workers (DMW) at Department of Health (DOH) upang magkaroon ng upgrading ng mga equipment sa OFW Hospital para narin sa kapakinabangan ng mga OFWs at kanilang pamilya.

Samantala, nagsagawa ng “Stress Management Seminar” ang Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) Region 3, isang proyekto ni OWWA Region 3 Regional Director Atty. Falconi “Ace” V. Millar para makatulong sa mga “distressed OFWs’ sa pamamagitan ng stress management intervention at counselling.