Calendar
Pagtatayo ng pang-15 TRA sa Antique, ikinagalak ng Chairman ng House Committee on Tourism
MULING ikinagalak ng Chairman ng House Committee on Tourism na si Romblon Lone Dist. Cong. Eleandro Jesus “Budoy” F. Madrona ang pagsisimula at pagtatayo ng pang-labing-limang Tourist Rest Area (TRA) sa Barangay Aningalan, San Remigio, Antique na maituturing na naman nilang “landmark” project ng Department of Tourism (DOT).
Ayon kay Madrona, muling pinatunayan ng Tourism Department ang dedikasyon nito na lalo pang mapaganda ang sektor ng turismo upang maging kumbinyente para sa mga lokal at dayuhang turista ang pagtungo sa mga makasaysayang lugar sa Pilipinas.
Sabi ni Madrona na itinuriring na isang “landmark” project ang pagtatayo ng mga TRA sa iba’t-ibang bahagi ng bansa sa ilalim ng administtasyon ni President Ferdinand “Bongbong” R. Marcos, Jr. at pamamahala naman ni Tourism Sec. Frasco.
Paliwanag ng kongresista na may mahahalagang amenities ang nasabing pasilidad tulad ng banyo, mga tourist information desk, charginh station at pasalubong center kaya inaasahan aniya na mas marami pang mga turista ang mae-engganyong magtungo sa Pilipinas sa mga darating na panahon.
Bukod dito, sabi pa ni Madrona na ang Barangay Aningalan sa Antique ay isang Summer Capital ng lalawigan kung kaya’t dito napag-desisyunan ng DOT na ilagay ang TRA para sa mga manlalakbay na bumibista sa mga eco-tourism attraction ng lugar kabilang na dito ang Highland Strawberry Garden, Danao Lake at Rafflesia Site.
To God be the Glory