Congressman Toby Tiangco

Pagtupad ng PBBM sa pangakong itaas medical allowance ng mga guro pinuri ni Rep. Tiangco

Edd Reyes Aug 21, 2024
70 Views

PINURI ni Navotas City Congressman Toby Tiangco ang pagtaas ng medical allowance ng mga guro na aniya ay pagtupad lang ng administrasyong Marcos sa pangakong mapagbuti ang kapakanan ng mga tagapagturo sa bansa.

“Hindi lang puro pangako. Patunay itong medical allowance na seryoso ang administrasyon ni Pangulong Bongbong Marcos sa pagbibigay ng ng karampatang benepisyo sa ating mga guro, ” pahayag ni Tiangco

“This is great news for our teachers and a sign of better things to come for the educatuon sector,” dagdag pa niya.

Sinabi pa ng kongresista na ang mga guro ang isa sa nagsisilbing lakas ng bansa at sa kanila ipinauubaya ang pangangalaga ng mga batang Pinoy upang ang kalagayan ng sistema ng ating pampublikong paaralan ang kikilala sa ninanais nating kinabukasan ng bansa.

“With President Bongbong’s firm commitment to education reforms, I believe we’re building a stronger future for the Philippines,” pahayag pa niya

Sinabi ni Tiangco na ang ginagawang pagtutulungan ng lahat ng ahensiya ng pamahalaan sa mahahalagang usapin tulad ng edukasyon, agrikultura, digital transformation at iba ay mahalagang elemento sa pagtiyak na magiging epektibo ang lahat ng programa ng pamahalaan.

Nauna rito’y nilagdaan ng Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang Executive Order No. 64 na magkakaloob ng tauhang medical allowance ng hanggang P7,000 sa lahat ng kawani ng pamahalaan, kabilang ang mga pampublikong guro

“The administration is putting money where its mouth is. Ilang buwan pa lang matapos ang SONA ng pangulo, ito na at nararamdaman na ng ating mga guro ang benepisyong pinangako sa kanila,” sabi pa ni Tiangco.

Inaasahan na aabot sa 900,000 mga pampublikong guro sa buong bansa ang makikinabang sa pinakahuling inisyatiba ng DepEd.

Bukod pa sa medical allowance, sinabi ni Tiangco na makakatanggap din ang mga guro sa mga pampublikong paaralan ng P5,000 tax-free na teaching allowance ngayon taon at magiging P10,000 ito sa susunod na school year 2025-2026.