Calendar
Pahayag ni Jak sa JakBie split up inaabangan
Bago pa man kumpirmahin ni Barbie Forteza ang breakup nila ni Jak Roberto noong January 2 ay nag-post na ng cryptic message ang ina niyang si Imelda Forteza sa Instagram Story.
Sa post ng ina ni Barbie noong January 1 ay nakasaad ang ganitong pahayag: “No one knows how much you went through this year, but you stayed strong and did quit. I’m so proud of you.”
Walang pinatutungkulang specific na tao ang mother ni Barbie subalit nang lumabas ang statement ng aktres regarding the breakup, pinagtagpi-tagpi na ito ng mga Marites at ikinonek sa hiwalayang JakBie.
Sa ngayon ay expired na ang IGS ng mommy ni Barbie pero kumakalat pa rin sa social media ang screenshot nito.
Isa pang pinag-uusapan ngayon ng netizens ang post naman sa X (dating Twitter) ng nakatatandang kapatid na babae ni Barbie na si Gabrielle Vierneza noong Jan. 1 din.
Nag-post si Gabrielle ng larawan ni Barbie na tumatawa at caption niya, “gusto ko happy ka.”
Reaksyon naman ng aktres sa comment section, “Hahahahahaha!!!”
Dahil sa mga post na ito, lalong naintriga ang ibang netizens sa tunay na dahilan ng paghihiwalay ng JakBie.
Walang inilagay na dahilan si Barbie ng kanilang breakup at si Jak naman ay hindi pa nagre-release ng statement.
Kaya naman abangers ngayon ang mga Marites kung may mga rebelasyon o detalye pang lilitaw regarding the split up.