Calendar
Pahayag ni VP Sara, magtutulak sa PSG para lalong higpitan ang seguridad sa SONA ni PBBM
𝗔𝗡𝗚 𝗻𝗮𝗸𝗮𝗸𝗮-𝗮𝗹𝗮𝗿𝗺𝗮𝗻𝗴 𝗽𝗮𝗵𝗮𝘆𝗮𝗴 𝗻𝗶 𝗩𝗶𝗰𝗲-𝗣𝗿𝗲𝘀𝗶𝗱𝗲𝗻𝘁 𝗜𝗻𝗱𝗮𝘆 𝗦𝗮𝗿𝗮 𝗗𝘂𝘁𝗲𝗿𝘁𝗲 𝗻𝗮 𝗻𝗮𝗴𝘁𝗮𝘁𝗮𝗹𝗮𝗴𝗮 𝘀𝗮 𝗸𝗮𝗻𝗶𝘆𝗮𝗻𝗴 𝘀𝗮𝗿𝗶𝗹𝗶 𝗯𝗶𝗹𝗮𝗻𝗴 𝗱𝗶-𝘂𝗺𝗮𝗻𝗼’𝘆 “𝗱𝗲𝘀𝗶𝗴𝗻𝗮𝘁𝗲𝗱 𝘀𝘂𝗿𝘃𝗶𝘃𝗼𝗿” 𝗮𝗻𝗴 𝗽𝗼𝘀𝗶𝗯𝗹𝗲𝗻𝗴 𝗺𝗮𝗴𝗯𝘂𝗻𝘀𝗼𝗱 𝗼 𝗺𝗮𝗴𝘁𝘂𝗹𝗮𝗸 𝘀𝗮 𝗣𝗿𝗲𝘀𝗶𝗱𝗲𝗻𝘁𝗶𝗮𝗹 𝗦𝗲𝗰𝘂𝗿𝗶𝘁𝘆 𝗚𝗿𝗼𝘂𝗽 (𝗣𝗦𝗚) 𝗽𝗮𝗿𝗮 𝗹𝗮𝗹𝗼 𝗽𝗮 𝗻𝗶𝘁𝗼𝗻𝗴 𝗽𝗮𝗶𝗴𝘁𝗶𝗻𝗴𝗶𝗻 𝗮𝗻𝗴 𝘀𝗲𝗴𝘂𝗿𝗶𝗱𝗮𝗱 𝗽𝗮𝗿𝗮 𝘀𝗮 𝗻𝗮𝗹𝗮𝗹𝗮𝗽𝗶𝘁 𝗻𝗮 𝗦𝘁𝗮𝘁𝗲 𝗼𝗳 𝘁𝗵𝗲 𝗡𝗮𝘁𝗶𝗼𝗻𝗮𝗹 𝗔𝗱𝗱𝗿𝗲𝘀𝘀 (𝗦𝗢𝗡𝗔) 𝗻𝗶 𝗣𝗿𝗲𝘀𝗶𝗱𝗲𝗻𝘁 𝗙𝗲𝗿𝗱𝗶𝗻𝗮𝗻𝗱 “𝗕𝗼𝗻𝗴𝗯𝗼𝗻𝗴” 𝗥. 𝗠𝗮𝗿𝗰𝗼𝘀, 𝗝𝗿. 𝘀𝗮 𝗱𝗮𝗿𝗮𝘁𝗶𝗻𝗴 𝗻𝗮 𝗛𝘂𝗹𝘆𝗼 𝟮𝟮.
Ito ang ibinigay na pahayag ni Manila 2nd Dist. Cong. Rolando “CRV” M. Valeriano bilang reaction sa pagbibitaw ni VP Sara Duterte ng isang nakakabahalang statement na nagtatalaga sa kaniya bilang “designated survivor” na halaw sa isang Netflix thriller series.
Magugunitang nag-ugat ang naturang pahayag ng Pangalawang Pangulo matapos itong tanungin ng Media kung dadalo ba siya sa ikalawang SONA ni Pangulong Marcos, Jr. sa Hulyo 22. Subalit sa halip, ang naging tugon ni VP Duterte ay itinatalaga nito ang kaniyang sarili bilang designated survivor.
Dahil dito, binigyang diin ni Valeriano na biro man o isang pagpapasaring ang bibitiwang pahayag ni VP Sara. Ito naman aniya ang posibleng magtulak sa hanay ng PSG para mas lalo pang maghigpit ng seguridad sa loob at labas ng Batasan Pambansa o sa bakuran ng Kamara de Representantes.
Ayon kay Valeriano, hindi ordinaryong tao ang inilalagay ni VP Sara sa panganib sa pamamagitan ng kaniyang nakaka-alarmang pahayag kundi ang Pangulo mismo ng Republika ng Pilipinas. Kaya gaya ng mga ibang kongresista. Iginigiit din ng mambabatas na hindi magandang biro ang binitiwang pahayag ng Pangalawang Pangulo.
Sabi pa ng kongresista ng Manila, hindi aniya isang katatawanan ang usapin sa seguridad ng Pangulo sapagkat ang mamamayang Pilipino mismo ang apektado sakaling mayroong mangyaring masama kay Presidente Marcos, Jr.
“She pressed the button to level up our security measures of President Bongbong Marcos, Jr. whether ahe is kidding or insinuating anything. PBBM’s security is not a laughing matter,” wika ni Valeriano.
Gayunman, muling pagdidiin ni Valeriano. Hindi umano kawalan para sa mamamayang Pilipino sakaling hindi makadalo sa SONA si VP Sara Duterte.