Lady Solon

Inilabas na dress code ng Kamara, ikinagalak ng isang Muslim Party List Lady solon

Mar Rodriguez Jul 15, 2024
814 Views

๐—œ๐—ž๐—œ๐—ก๐—”๐—š๐—”๐—Ÿ๐—”๐—ž ๐—ป๐—ถ ๐—ž๐˜‚๐˜€๐˜‚๐—ด ๐—ง๐—ฎ๐˜‚๐˜€๐˜‚๐—ด ๐—ฃ๐—ฎ๐—ฟ๐˜๐˜† ๐—Ÿ๐—ถ๐˜€๐˜ ๐—–๐—ผ๐—ป๐—ด. ๐—ฆ๐—ต๐—ฒ๐—ฟ๐—ป๐—ฒ๐—ฒ ๐—”. ๐—ง๐—ฎ๐—ป-๐—ง๐—ฎ๐—บ๐—ฏ๐˜‚๐˜ ๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ถ๐—ฝ๐—ถ๐—ป๐—ฎ๐˜๐—ฎ๐˜„ ๐—ผ ๐—ถ๐—ป๐—ถ๐—น๐—ฎ๐—ฏ๐—ฎ๐˜€ ๐—ป๐—ฎ ๐—ฑ๐—ฟ๐—ฒ๐˜€๐˜€ ๐—ฐ๐—ผ๐—ฑ๐—ฒ ๐—ป๐—ด ๐˜๐—ฎ๐—ป๐—ด๐—ด๐—ฎ๐—ฝ๐—ฎ๐—ป ๐—ป๐—ด ๐—›๐—ผ๐˜‚๐˜€๐—ฒ ๐—ฆ๐—ฒ๐—ฐ๐—ฟ๐—ฒ๐˜๐—ฎ๐—ฟ๐˜† ๐—š๐—ฒ๐—ป๐—ฒ๐—ฟ๐—ฎ๐—น ๐—ฝ๐—ฎ๐—ฟ๐—ฎ ๐˜€๐—ฎ ๐—ป๐—ฎ๐—น๐—ฎ๐—น๐—ฎ๐—ฝ๐—ถ๐˜ ๐—ป๐—ฎ ๐—ฆ๐˜๐—ฎ๐˜๐—ฒ ๐—ผ๐—ณ ๐˜๐—ต๐—ฒ ๐—ก๐—ฎ๐˜๐—ถ๐—ผ๐—ป ๐—”๐—ฑ๐—ฑ๐—ฟ๐—ฒ๐˜€๐˜€ (๐—ฆ๐—ข๐—ก๐—”) ๐—ป๐—ถ ๐—ฃ๐—ฟ๐—ฒ๐˜€๐—ถ๐—ฑ๐—ฒ๐—ป๐˜ ๐—™๐—ฒ๐—ฟ๐—ฑ๐—ถ๐—ป๐—ฎ๐—ป๐—ฑ “๐—•๐—ผ๐—ป๐—ด๐—ฏ๐—ผ๐—ป๐—ด” ๐—ฅ. ๐— ๐—ฎ๐—ฟ๐—ฐ๐—ผ๐˜€, ๐—๐—ฟ. ๐˜€๐—ฎ ๐—›๐˜‚๐—น๐˜†๐—ผ ๐Ÿฎ๐Ÿฎ.

Ayon kay Tan-Tambut, matapos ang mga isinagawang consultation sa kaniyang mga constituents sa Zamboanga City. Sinabi ng mambabatas na ang darating na SONA ay isang “formal event” kaya nararapat lamang na ang mga dadalo dito ay kailangang magpakita ng nararapat na respeto.

Paliwanag ni Tan-Tambut, ang SONA ni Pangulong Marcos, Jr. ay isang napakahalagang okasyon sapagkat dinadaluhan ito ng mga matataas na opisyal ng pamahalaan gayundin ang mga Ambassadors mula sa iba’t-ibang panig ng mundo para pakinggan ang mensahe at mga plano ng Pangulo para sa susunod na taon.

“SONA is a formal event with no less the head of state as guest of honor to announce his plans for the nation for the next years and legislations he needs to realize these plans,” sabi ng mambabatas.

Dahil dito, sabi pa ni Tan-Tambut na sinasang-ayunan nito ang naging direktiba ng SecGen na may tamang lugar at oras para sa pagpapahayag ng protesta at pagtutol. Subalit hindi ito dapat gawin sa loob ng Plenaryo ng Kamara de Representantes na pagdadausan ng SONA.

Nang tanungin naman si Tan-Tambut kung ano ang susuutin nitong damit para sa SONA. Pabiro naman nitong sinabi na ang kaniyang damit ay ginawa o tinahi ng isang local designer na may tema ng kasaysayan, kultura at tradisyon ng komunidad ng mga Tausug sa lalawiyan ng Sulu.

Ang damit ni Tan-Tambut ay mula sa telang pissyabit na hinabi ng mga Tausug.

Para sa kongresista, mas pinapaboran nito ang mga damit na nagpapakita o nagpapamalas ng tinatawag na local artistry at kulturang Pilipino.