Doc-Ted-Herbosa

Pahinungod Surgical Mission sa Isla ng Alabat

Dr. Ted Herbosa Mar 29, 2022
380 Views

NITONG nakaraang linggo, ako ay mapalad na sumama sa isang team ng volunteers ng Ugnayan ng Pahinungod ng UP Manila sa isla ng Alabat sa lalawigan ng Quezon. And Pahinungod Volunteers ay pinamunuan ni Dr. Eric SM Talens. And mga volunteers na sumama ay 29 na katao. Matagal ng tumutulong ang Pahinuungod sa Alabat para sa mga pangangailangan nila sa kalusugan. Mahigit kumulang na 70 surgical operations and naisagawa ng aming volunteers.

Ang Alabat Island ay isang isla sa Quezon Province ng rehiyon ng Calabarzon, na nasa labas lamang ng silangang baybayin ng Southern Luzon. Ang isla ay may lawak na 192 square kilometers at may populasyon na 41,822. Ang Alabat Island ay binubuo ng tatlong munisipalidad: Perez sa hilagang dulo, Alabat town proper sa gitna at Quezon sa timog. Ang mga unang naninirahan sa isla ay ang mga katutubong Inagta Alabat na mga Negrito, ang pinakaunang naninirahan sa Pilipinas. Sinasalita ng mga katutubo ang wikang Inagta Alabat, isa sa mga pinaka-nanganganib na wika sa mundo. Ang isla ay matatagpuan sa Lamon Bay at 33 km ang habang ng isla.

Ang Alabat ay may malawak na bakawan sa kahabaan ng timog-kanlurang baybayin nito, na may ilang daang ektarya ng intertidal mudflats na nakalantad sa low tide. Ang malalaking bahagi ng orihinal na kagubatan ng bakawan ay nasira para sa pagtatayo ng mga lawa ng isda at hipon.

Tinatangkilik ng Alabat ang isang mahalumigmig na tropikal na klima na walang tagtuyot, ngunit isang napakalinaw na panahon ng pinakamataas na pag-ulan mula Nobyembre hanggang Enero. Ang isla ay tahanan ng mga katutubong Alabat Agta, na ang wika ay lubhang nanganganib.

Ang kasulukuyang mayor ay ang napakasipag na si Mayor Fernando L. Mesa. Kahit malayo siya sa mainland ng Luzon, nakipag-partner siya sa maraming ahensiya ng pamahalaan para mapaganda ang kabuhayan doon. May mga cacao plantation, sili, babuyan, at palaisdaan. Binibili ng munisipyo ang mga produkto ng mga taga roon at hinahanap niya ng mga buyers sa ibang lugar. Dahil dito tumaas ang antas ng pamumuhay doon.

Dahil maliit lang ang Alabat Island District Hospital (50 beds), ginamit namin ang temporary ward sa labas ng ospital para sa surgical mission. May dalawang operating room na pinagkasya namin ang limang operating tables. Dala namin ang mga gamot at kagamitan para gumawa ng 21 major operations, kasama na dito ang isang may breast cancer, isang bata na may hand contractures dahil sa electrical burns, isang tumor sa suso na tawag namin ay Phylloides tumor at marami pang iba. Tuwang tuwa ang mga pasyente at lalo na si mayor at ang kanyang asawa na si Vangie na isang dating nurse sa V. Luna hospital. Simple lang ang kanyang prioridad: kalusugan, edukasyon at kabuhayan. Dahil dito naisip ko na ang tatlong bagay na ito ay napakahalaga sa pag-unlad ng ating bayan. Sa pag umpisa ng kampanya sa ating mga lokal na pinuno, mag-isip tayo kung sino sa mga kandidato ang kayang itaas ang antas ng kalusugan, edukasyon o kaalaman at kabuhayan.