Misa

Pakikiisang misa para sa mga biktima ng EJK, kanilang pamilya idinaos sa Kamara

116 Views

ISANG banal na misa ang idinaos sa Kamara de Representantes para sa mga biktima ng extrajudicial killings (EJK) at kanilang mga pamilya noong Biyernes, isang pagpapakita ng pagkakaisa at pag-asa para sa mga pamilya at kaibigan ng mga nasawi sa madugong war on drugs campaign ng administrasyong Duterte.

Ang misa ay pinangunahan ni Father Joel Saballa, kasama sina Fr. Noel Gatchalian, Fr. Joselito Sarabia, at Fr. Christian Sambajon, na dinaluhan ng nasa 100 pamilya ng mga biktima ng EJK sa People’s Center.

Sa homilya ni Fr. Noel Gatchalian binanggit nito ang kahalagahan na makamit ang hustisya at mapanumbalik ang dignidad para sa mga biktima.

Binuksan ni Fr. Saballa ang misa sa pagpapasalamat na mabigyang pagkakataong marinig ang panig ng mga pamilya ng mga biktima ng EJK.

“Ngayon din po ay natitipon tayo bilang pasalamat sa pagtugon sa dasal nating sa unang pagkakataon, maririnig na ng buong bansa ang boses ng pamilya ng mga namatayan dala ng extrajudicial killings,” sabi Fr. Saballa.

“Lubos ang pasasalamat ng mga pamilya na sa pagkakataong ito’y magtipon-tipon, dala-dala ang mga pangarap, dala-dala ang mga hangarin na makamit ng mga nangamatay (ang hustisya) ng walang kalaban-laban sa kamay po ng mga nasa poder nang nakaraan,” dagdag niya.

Ipinapakita nito ang pag-asa sa kabila ng mga hamon, ay mananaig ang hustisya para sa mga naulilang mahala sa buhay.

“Tayo’y manalangin at ipagdasal natin ang ating mga lider ng ating bansa na ngayon ay tumutulong sa atin upang makamit ang hustisya ng ating pong mga kababayan na pinaslang ng karumal-dumal,” ani Fr. Saballa

Panawgan naman sa pagbabalik ng hustisya at katotohanan ang sentro ng homiliya ni Fr. Gatchalian

“Alam naman natin na unti-unti nating nararating ang katotohanan, at nagkakaroon tayo ng lakas upang isiwalat ang katotohanan. Ang katotohanan na ang pinakamapait at masakit na yugto sa kasaysayan ng Pilipinas ay ang tinatawag na pekeng war on drugs,” saad ni Fr. Gatchalian

angk aiyang mensahe ay para sa paglalahad ng katotohanan at pananagutan para sa mga sangkot sa pagkawala ng maraming buhay.

ang naturang misa ay idinaos bago ang ika=walong pagdinig ng Quad Committee na nag-iimbestiga sa EJK, Philippine Offshore Gaming Operators (POGOs) at sindikato ng iligal na droga.

Siniyasat ng komite ang mga isyu ukol sa extrajudicial killings kung saan naisiwalat ang pagmaalabis at pang-aabuso sa ‘war on drugs’

Paghimok pa ni Fr. Gatchalian na mahalagang kilalanin ang pagiging inosente ng mga pinatay, “Marami po ang inosenteng pinaslang at karapat-dapat lamang na sila ay bigyan ng katarungnan.”

Binigyang halaga ng misa ang pakikidalamhati, katotohanan at hustisya sa pagtugon sa trahedyang dala ng extrajudicial killings at magsisilbing paalala na bagamat mayroon nang pag-usad at marami pa ang dapat gawin para makamit ang tunay na hustisya.