Calendar

Palapag na nirentahan, nasunog sa QC inaalam kung may POGO connection
INAALAM ng pulisya kung my kaugnayan sa POGO ang nirentahang ikatlong palapag na gusali na hub ng isang Chinese matapos na masunog ito nitong Martes ng madaling araw,
Sa report Bureau of Fire Protection (BFP) at Quezon City Police District (QCPD) bandang 4:05 ng madaling araw (May 6) nang masunog na tatlong palapag ng gusali sa Sampaguita St., Bgy. Batasan Hills, Quezon City.
Ang gusali na pag-aari ng isang alyas “Angelito,” 61, ay iniulat nirentahan umano ng isang Chinese national ang ikatlong palapag ng bahay noong Abril 3 ng taong kasalukuyan.
Sa inisyal na ulat, matapos na maapula ang apoy bandang 4:42 ng madaling araw, at magsagawa ng post-fire clearing operations nadiskubre ng mga operatiba ng Batasan Police Station 6, District Anti-Cybercrime Team (QCDACT) at District Intelligence Division (DID-QCPD), ang iba’t ibang electronic device at materyales sa ikatlong palapag na nirentahan umano ng Chinese.
Kabilang sa narekober ang tatlong desktop computer, dalawang CPU, isang Huawei router, isang laptop, isang mobile phone, 5,757 SIM card, at siyam na text blaster device.
Nasamsam din ang isang Chinese passport na may pangalang alyas “Liu” mula sa Chongqing Province, China, at isang Philippine-issued ID sa ilalim ng pangalan ng alyas “Christine,” na kinilala bilang isang Pinay at anak ng umano ng may-ari ng gusali.
Sa pakikipag-koodinasyon sa Bureau of Immigration (BI), nabatid na si alyas “Liu” ay dumating sa Pilipinas noong Pebrero 22, 2025, na may hawak na 9G visa, na walang derogatory record sa file.
Ayon kay QCPD, public information office chief. PMaj. Jennifer Gannaban, naka-bakasyon umano ang nasabing Chinese nang mangyari ang insidente.
Sinabi ni Gannaban, base sa initial assessment ng ACG, si alyas Liu ay kabilang sa mga na-terminate na empleyado ng POGO.
“POGO employee po kasi may notebook na nakuha…yung template ng message ay para sa social media na posibleng ipinapadala sa target victims, once na sumagot ka dun…makukuha na ang data mo,” paliwanag ng PIO chief.
“Rest assured, QCPD is working closely with relevant agencies to determine the full extent of this incident and hold those responsible accountable. We will not allow any activity that poses a threat to public safety or national security. We also urge the public to report any suspicious activity in their communities,” ayon naman kay (QCPD, Deputy District Director for Administration/Officer-in-Charge, P/Col. Randy Glenn Silvio.