PCO

Palasyo: Iligal na drogang nasamsam noong 2023 umabot sa P10.41B

Chona Yu Jan 5, 2024
157 Views

UMABOT sa P10.41 bilyon ang halaga ng ipinagbabawal na gamot na nasabat ng mga ahensya ng gobyerno noong 2023, ayon sa Malacañang.

Iniugnay ng Presidential Communications Office (PCO) ang anti-drug achievement na ito sa pinaigting na kampanya ng administrasyong Marcos laban sa iligal na droga.

“The Marcos administration had reported confiscating around P10.41 billion worth of illegal drugs from January to December 2023 and cleared more than 27,000 barangays of narcotics under President Ferdinand R. Marcos Jr.’s new approach to address the menace,” sabi ng PCO sa isang pahayag.

Nakaaresto naman ang Philippine National Police (PNP) ng 56,495 suspek sa 44,000 anti-illegal drug operation nito.

Nauna ng sinabi ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na iba ang estilo na gagamitin ng kanyang administrasyon sa paglaban sa ipinagbabawal na gamot.