Foreign currency na hindi idineklara nasabat sa NAIA
Feb 27, 2025
Mas mahigpit na seguridad ipapatupad sa Malacanang
Feb 27, 2025
Good girl na may attitude
Feb 27, 2025
Calendar

Provincial
Palasyo sa public: Mag-ingat sa vog
Chona Yu
Aug 20, 2024
148
Views
PINAYUHAN ng Palasyo ng Malakanyang ang publiko na mag-ingat sa vog dahil sa pag-aalburuto ng Bulkang Taal.
Ayon kay Presidential Communications Office (PCO) Assistant Secretary Joey Villarama, tagapagsalita ng Natural Calamities Disasters, mas makabubuti kung magsusuot ng face mask ang mga bata, matatanda at mga may sakit.
Ayon kay Villarama, humahalo ang abo sa ulan kaya’t nakaiirita sa mata at balat.
Bukod dito, mataas din aniya ang polusyon na maaring magdulot ng acid rain.
Nakikipag-ugnayan na aniya ang Malakanyang sa ibat ibang ahensya ng pamahalaan para kung kailangan na ilikas ang mga apektadong residente ay madali itong magagawa.
Sa ngayon, nanatili sa Alert Level 1 ang Bulkang Taal.
MMSU contingent dumalaw sa Batangas salt farms
Feb 27, 2025
Kelot tiklo sa 2 counts ng rape
Feb 27, 2025
STL operator sinaksak, tigok
Feb 27, 2025
Bataan gov dumalo sa launching ng Bataeno pass
Feb 27, 2025
ISKOLARS NG BAUAN
Feb 27, 2025