DOT

Palawan 13th best island sa mundo, 5th sa Asya

98 Views

IBINALITA ni Department of Tourism (DOT) Secretary Christina Garcia Frasco na nakakuha ng 90.59 rating ang Palawan kaya kinilala ng Travel + Leisure bilang ika-13 sa listahan ng World’s Best Islands 2024 at pang lima bilang Best Island in Asia.

Ang pagkilala nagpapatibay sa katayuan ng Palawan bilang isang pangunahing island destination na nagpapakita ng kagandahan.

Binibihag ng Palawan ang mga manlalakbay gamit ang likas na kagandahan gaya ng matatayog na limestone cliff, lagoons, rainforest at ang Puerto Princesa Subterranean River National Park, ayon sa DOT.

Nag-aalok sa mga bisita ng karanasan na naglalagay sa Palawan bilang pinakamagandang destinasyon sa buong mundo.

Nagpapasalamat ang DOT sa mga mambabasa ng Travel + Leisure na bumoto para malagay ang Palawan at Pilipinas sa spotlight bilang nangungunang destinasyon sa isla.

Ang listahan ng Travel + Leisure World’s Best Islands na-rate batay sa mga natural na atraksyon at beach, mga aktibidad at pasyalan, mga restaurant at pagkain at mga tao.