Isko1

Paldo mga Batang Maynila sa inilabas na P658.84M ni Yorme para cash aid, incentives

Edd Reyes Dec 15, 2025
204 Views

MASAGANA ang Pasko ng mga kawani ng lokal na pamahalaan, estudyante, health workers, at contract personnel matapos i-anunsiyo ni Manila Mayor Isko Moreno Domagoso ang paglalabas ng P648.84 milyong cash assistance.

Isiniwalat ito ng alkalde sa regular na pagpupugay sa watawat Lunes ng umaga kasabay ng pakiusap sa mga kawani na pakitunguhan ng maayos ang mga taxpayers. “Ang buhay natin ay nakasalalay sa pagtitiwala nila na ibigay ang kanilang hard-earned money upang ibayad bilang obligasyon sa Pamahalaang Lungsod ng Maynila,” pahayag ng alkalde sa kanyang talumpati.

Ayon sa alkalde, ang P302.18 milyong insentibo ay para sa permanenteng kawani, kasama ang mga co-terminus at elected officials na sasako sa retroactive salary adjustments sa ilalim ng second tranche ng Salary Standardization Law, kabilang ang medical, productivity, at service recognition incentives.

Ang mga karapat-dapat na kawani ay makakatanggap ng a ₱7,000 medical allowance, ₱5,000 Productivity Enhancement Incentive, at ₱10,000 Service Recognition Incentive na ipamamahagi simula Disyembre 15 hanggang 23.

Ang mga kuwalipikadong job order at contract of service workers naman ay makakatanggap ng P7,000 mula sa inilabas na P66 million gratuity pay habang ang ilalabas na P128.13 milyon mula sa PhilHealth professional shares ay ibibigay sa mga tauhan ng mga pampublikong pagamutan sa lungsod, at kawani ng Manila Health Department mula sa nakolektang salapi sa buwan ng Hulyo hanggabang Nobyembre, 2025.

Ipinaliwanag ng alkalde na ang makikinabang sa P100 milyon sa karagdagang sharing ng PhilHealth na hindi naipamahagi ay maibibigay sa mga medical, non-medical, barangay health workers, nutirion scholars, at support personnel.

Matatanggap naman ang P46,03 milyon allowace mula sa College Student Assistance Program ng 18,235 estudyante ng Universidad de Manila at Pamantasan ng Lungsod ng Maynila na kakatawan sa buwan ng Hulyo hanggang Setyembre, 2025 habang ang karagdagang P6.5 milyon sa ilalim ng College Subsidy Program ay ilalaan naman sa Eulogio “Amang” Rodriguez Institute of Science and Technology (EARIST) mula a ikatlong quarter ng taong 2025.