OFW partylist

Pamamahagi ng relief goods ng OFW Party List group para sa pamilya ng mga OFWs tuloy-tuloy

Mar Rodriguez Jul 28, 2024
136 Views

OFW partylist OFW partylist OFW partylist OFW partylist 𝗣𝗨𝗦𝗣𝗨𝗦𝗔𝗡 𝗮𝗻𝗴 𝗽𝗮𝗺𝗮𝗺𝗮𝗵𝗮𝗴𝗶 𝗻𝗴 𝗢𝗙𝗪 𝗣𝗮𝗿𝘁𝘆 𝗟𝗶𝘀𝘁 𝗚𝗿𝗼𝘂𝗽 𝘀𝗮 𝗞𝗮𝗺𝗮𝗿𝗮 𝗱𝗲 𝗥𝗲𝗽𝗿𝗲𝘀𝗲𝗻𝘁𝗮𝗻𝘁𝗲𝘀 𝗻𝗴 𝘁𝘂𝗹𝗼𝗻𝗴 𝘀𝗮 𝗽𝗮𝗺𝗮𝗺𝗮𝗴𝗶𝘁𝗮𝗻 𝗻𝗴 𝗺𝗴𝗮 𝗿𝗲𝗹𝗶𝗲𝗳 𝗴𝗼𝗼𝗱𝘀 𝗽𝗮𝗿𝗮 𝘀𝗮 𝗺𝗴𝗮 𝗻𝗮𝘀𝗮𝗹𝗮𝗻𝘁𝗮 𝗻𝗴 𝗺𝗮𝘁𝗶𝗻𝗱𝗶𝗻𝗴 𝗽𝗮𝗴𝗯𝗮𝗵𝗮 𝘀𝗮 𝗶𝗯𝗮’𝘁-𝗜𝗯𝗮𝗻𝗴 𝗹𝘂𝗴𝗮𝗿 𝘀𝗮 𝗯𝗮𝗻𝘀𝗮 𝗱𝘂𝗹𝗼𝘁 𝗻𝗴 𝗽𝗮𝗴𝗵𝗮𝗴𝘂𝗽𝗶𝘁 𝗮𝘁 𝗽𝗮𝗺𝘂𝗺𝘂𝗸𝘀𝗮 𝗻𝗴 𝘀𝘂𝗽𝗲𝗿 𝘁𝘆𝗽𝗵𝗼𝗼𝗻 𝗖𝗮𝗿𝗶𝗻𝗮.

Ayon sa kinatawan ng OFW Party List na si Congresswoman Marissa “Del Mar” P. Magsino, tuloy-tuloy ang pamamahagi nila ng second batch ng mga relief gooda para sa mga kapamilya ng mga Overseas Filipino Workers (OFWs) na nasalanta ng bagyo mula sa Malolos, Bulacan, Norzagaray, Bulacan kabilang na dito ang Tanza, Cavite, Kawit at Noveleta.

Tiniyak ni Magsino na magpapatuloy ang kanilang pamamahagi ng tulong upang kahit papaano aniya ay maibsan ang hirap na pinagdadaanan ng pamilya ng mga OFWs.

Nauna rito, pinangunahan ng OFW Party List group ang paglulunsad ng “relief operations” hindi lamang para sa mga apektadong lugar sa National Capitol Region (NCR) kundi sa iba pang mga lugar na dumanas ng matinding pagbaha na dala ng malakas na bagyong Carina.

Sinabi ng kongresista na hindi na sila nagpatumpik-tumpik at agad nilang tinungo ang mga apektadong lugar na matinding sinalanta ng bagyo. Kabilang dito ang Marikina City, Quezon City at iba pang mga lugar na matinding binaha.

Nabatid pa kay Magsino na ang mga ipinamamahagi nilang essential goods ay ang kahon-kahong mineral water, biscuit, mga delata at toiletry kits para sa mga apektadong pamilya kasama na dito ang pamilya ng mga OFWs.

Sabi din ni Magsino na ilan sa mga lugar sa NCR na pinuntahan ng OFW Party List ay ang Caloocan City, City of Manila, Taguig-Pateros at San Mateo Rizal.